HINDI makababawas sa mga karangalang inihatid sa Filipinas ang pagkatalo ni Pambansang Kamao, Sen. Manny Pacquiao kay Cuban boxer Yordenis Ugas para sa WBA welterweight title.
“The boxing icon’s loss in Las Vegas would not diminish the honors he bestowed to our country and the joy he gave to our people,” ani Presidential Spokesman Harry Roque kahapon.
Habangbuhay aniyang nakatatak sa puso ng mga Pinoy si Pacquiao bilang “People’s Champ.”
Matapos ang laban ay humingi ng paumanhin si Pacquiao sa pagkatalo at inamin niyang nahirapan siyang mag-adjust sa ring at iba rin ang kondisyon ng kanyang mga binti.
“I am sorry I lost tonight, but I did my best,” anang 42-anyos Pambansang Kamao.
Hindi pa niya tiyak kung magpapatuloy o magreretiro sa boxing matapos ang 26 taon.
Sa susunod na buwan niya ihahayag kung itutuloy ang balak na lumahok sa 2022 presidential derby.
(ROSE NOVENARIO)