Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manny Pacman Pacquiao
Manny Pacman Pacquiao

Pacquiao pinuri ng kapwa senador

SA KABILA ng pagka­talo ni Boxing Champ at Senador Manny “Pacman” Pacquiao laban kay Cuban Yordenis Ugas, nagpaabot pa rin ng pagbati at papuri ang mga senador sa pambansang kamao.

Kabilang sa nag­paabot ng kanilang pagbati sina Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Panfilo “Ping” Lacson,  Sonny Angara, Joel Villanueva, at Senadora Nancy Binay.

Sinabi ng mga senador, sa kabila ng pagkatalo ng senador sa ring ay panalo pa rin siya sa puso ng bawat Filipino dahil hindi na mabubura ang kanyang pagiging boxing champ.

Bukod dito tinukoy ng mga kapwa senador na hindi matatawaran ang ipinakitang husay at galing ni Pacman sa ring. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …