Friday , November 22 2024
Vincent del Rosario, Vic del Rosario, Vivamax, Nadine Lustre, James Reid, Jadine
Vincent del Rosario, Vic del Rosario, Vivamax, Nadine Lustre, James Reid, Jadine

Nadine bibigyan pa rin ng project ng Viva (Vivamax No 1 entertainment app na)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KASALI pa rin pala sa bibigyan ng project ng Viva si Nadine Lustre. Ito ang nilinaw kahapon ni Vincent del Rosario (President and COO ng Viva Comm., Inc.).

Sa isinagawang virtual media conference kahapon ng hapon, sinabi ni del Rosario na magpi-present sila ng mga konsepto kay Nadine.

“I think, in a few weeks, we’re presenting to Nadine some projects she may want to consider doing for us, movie projects for Vivamax or for the cinema. So, we’re sitting down soon,”  sambit ni del Rosario.

“Boss Vic (del Rosario) has asked us to come up with ideas, concepts that we can present to her, so we’re very excited for the opportunity to work with her again,” dagdag pa ni Vincent.

Sa kabilang banda, umaasa naman silang makakatrabaho din nila ang ka-loveteam ni Nadine na si James Reid.

“It’s a timing issue lang. And sa aming end, maraming beses na nasabi naman ni Boss Vic na especially sa case ni Nadine na since we have an active contract with her na we want to work with her, we want her to do projects for us and we’re just finding the right materials kasi siyempre, hinahanap din naman namin ang bagay sa kanya at saka ‘yung matutuwa siyang gawin,” sambit pa ni Vincent.

Ibinalita pa ng Viva executive na within the year ay may ia-announce na silang bagong proyekto ni Nadine. 

“And hopefully, beyond that, even si James, whether them as couple or individually,” dagdag pa ng anak ni Boss Vic del Rosario.

Sinabi pa ni Vicent na nag-uusap naman sina Nadine at Boss Vic dahil may kontrata pa rin sa kanila ang aktres.

Nagkaroon ng virtual media conference ang Viva para sa Vivamax dahil sa loob ng anim na buwan simula nang ito ay ilunsad noong January 29, 2021, matagumpay ang nasabing online streaming.

Inilunsad ang Vivamax para tuparin ang pangarap ni Boss Vic na maghatid ng entertainment sa mga Filipino rito at sa ibang bansa na maaari nilang ma-enjoy kahit saan, kahit kailan.

Sa gitna ng pagkakaroon ng global streaming platforms, local broadcast at telecommunication giants, hindi natinag si Boss Vic sa pagpursigi ng kanyang pangarap.

At pagkalipas ng anim na buwan, ang Vivamax ay nagiging malaking parte na ng Pinoy entertainment habit.

Sa ngayon, mayroon  ng 600,000 subscribers ang Vivamax, at sa maigsing panahon, ito ay naging Number 1 entertainment app sa Google play at tuluyang nahigitan ang mga long established local at international streaming brands.

Nagsimula sa 500 titles, na may halong Filipino content, Tagalized Hollywood, at Asian content (kasama na ang mga malalaking Korean blockbuster films), ipinagpapatuloy ng Vivamax ang pangako nito na magdagdag ng 15 bagong titles kada linggo – kombinasyon ito ng originals, premieres, exclusives at all-time favorites.

Sa presyong P149 kada buwan, kasama na ang TV casting sa Smart TV sa pamamagitan ng Chromecast at Apple Airplay, ngayon lang naging abot kaya para sa lahat ang unlimited viewing entertainment.

Simula nang naglunsad ang Vivamax, nakapagtampok na ito ng originally-produced series, movies, documentaries, at concerts na pinagbibidahan ng mga pinakasikat at pinaka-exciting na mga bituin sa industriya. Nariyan sina Sarah Geronimo (Tala), Sharon Cuneta (Revirginized), Vice Ganda (Gandemic), Kim Molina at Jerald Napoles (Ang Babaeng Walang Pakiramdam, Ikaw at Ako, at ang Ending, Pakboys), Xian Lim (Parang Kayo Pero Hindi), Kylie Verzosa (PKPH, The Housemaid), Marco Gumabao (Revirginized), Andrew E., Dennis Padilla, Janno Gibbs (Pakboys), Rosanna RocesAra Mina, Maui Taylor, Alma Moreno (Pornstar), Lovi Poe (The Other Wife), Rhen Escano (The Other Wife, Paraluman, Adan), Candy Pangilinan (ABWP), Cindy Miranda (Nerisa, Adan), AJ Raval (Death of A Girlfriend, Nerisa, Pornstar), Sunshine Guimary (Kaka), at Eddie Garcia (Manoy).  

At hindi pa riyan natatapos ang mga pelikulang prodyus ng Viva dahil sa kasalukuyan, nasa iba’t ibang stage na ng production ang mga pelikula at series na pagbibidahan nina Anne Curtis, Sarah Geronimo, Aga Muhlach, Bela Padilla, Cristine Reyes, Empoy, Alessandra, Julia Barretto, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Matteo Guidicelli, John Arcilla, JC Santos, Xian Lim, Andrew E., Diego Loyzaga, Barbie Imperial, Carlo Aquino, JM de Guzman, Sue Ramirez, McCoy de Leon, Elise Joson at marami pang iba.

Hindi napigilan ng pandemya ang Viva sa paggawa at pag-produce ng mga bagong content. Hanggang ngayon, ito pa rin ang pinaka-busy na studio sa bansa, katrabaho ang mga talentado at blockbuster directors gaya nina – Erik Matti, Jason Paul Laxamana, Paul Soriano, Irene Villamor, Mikhail at Jon Red, Yam Laranas, Pedring Lopez, Darryl Yap, RC delos Reyes, Lawrence FAhardo, Joel Lamangan, Roman Perez, GB Sampedro, Al Tantay, Prime Cruz, Dan Villegas at Antoinette Jadaone, Ricky Lee, Paul Basinillo, Paolo Valenciano at marami pang iba.

Isinasagawa na rin ang ilang production at licensing deals kasama ang iba pang top studios gaya ng Star Cinema, Regal, IdeaFirst, Project 8, Reality, Black Cap Pictures, BlackOps Asia, TBA, Cignal Entertainment, Brillante Mendoza’s Centerstage Productions, The Probe Team at iba pa para makapaghatid ng sari-saring palabas na papatok sa iba’t ibang panlasa ng bawat manonood.

Talagang isa nang global brand ang Vivamax, dahil ngayon ay available na ito sa Japan, Singapore, Hong Kong, Malaysia, Middle East, at Europe, at sa mga susunod na buwan ay magiging available na rin ito sa Australia, New Zealand, at North America.

Mas pinadali rin ang access sa Vivamax dahil nakipag-partner ito sa SM Retail (600 outlets), Globe Telecom at Grab Philippines. Bukod pa ito sa maraming available na payment gateways gaya ng Google Play, Apple Appstore, Huawei AppGallery, Vivamax.net, Gcash, Visa/Mastercard, One Globe, Paymaya, Lazada, Shopee, Load Manna, local cable operators at iba pa.

Kaya ‘wag nang magpahuli, maging Vivamaxxed na rin! Mag-subscribe na!

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification …

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *