MATABIL
ni John Fontanilla
MUKHANG malayo ang mararating sa showbiz ng bida sa Nang Dumating si Joey, dating Mr. Pogi ng Eat Bulaga, si Francis Grey dahil palaban ito at handang maghubad kung talagang kinakailangan sa eksena at sa ikagaganda ng pelikula.
Kuwento nito sa LGBTQ film na hatid ng Blankpage Productions at ni Bong Diacosta (Executive Producer) at idinirehe ni Arlyn Dela Cruz, ready naman siya sa maseselang eksena katulad ng halikan o pagpapakita ng maseselang parte ng katawan basta mae-explain sa kanya kung bakit kailangang gawin at kung sa ikagaganda ng pelikula.
At bilang baguhang actor, grabeng paghahanda ang ginawa niya katulad ng pagbabawas ng timbang, acting workshops, at pinag-aralang mabuti ang role bilang si Joey.
Thankful si Francis kay Direk Arlyn at kay Allan Paule dahil gina-guide siya para magampan ng tama ang mga eksena.
Makakasama pa ni Francis sapelikulasina Rash Jusen, Isadora, at Ernie Garcia. at available na ito for streaming sa August 13-15, 2021 sa ktx.ph.