Saturday , January 29 2022
Nora Aunor Bong Diacosta
Nora Aunor Bong Diacosta

Nora gagawan ng pelikula ng isang US based film producer

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI pa man naipalalabas ang unang pelikulang ipinrodyus ng baguhang producer na si Bong Diacosta under Blankpages Productions na Nang Dumating si Joey  mula sa direksiyon ni Arlyn Dela Cruz, may kasunod na kaagad ito na si direk Arlyn pa rin ang magdidirehe.

Kuwento ni Kuya Bong, bata pa siya ay mahilig na siyang manood ng pelikula at minsan ay naiisip niya na parte siya ng pelikulang pinanonood.

Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataong magprodyus ay kinausap niya ang matagal na niyang kaibigan, si Direk Arlyn na tulungan siya. Kaya naman nagawa ang Nang Dumating si Joey na pinagbibidahan ni Allan Paule kasama si Francis Grey, ang Mr Pogi finalist. Kasama rin sina Ernie Garcia, Isadora, at Rash Jusen.

Ang Nang Dumating si Joey ay isang LGBTQ Film, pero kakaiba ito sa iba dahil wala itong bed scene o halikan na karaniwan sa mga LGBTQ movie. Pero may eksena si Francis na gumaganap bilang si Joey na ikagugulat ng mga manonood.

At sa hanay ng mga local artist natin sa bansa, si Nora Aunor ang pangarap ni Kuya Bong na gawan ng pelikula dahil paborito nilang magkakapatid ang Superstar.

Bilib si Kuya Bong sa husay umarte ni Ate Guy na kahit anong role ang ibigay ay nagagampanan ng buong husay. Sana nga ay matulad ang kanyang pangarap.

Samantala  ang pelikulang Nang Dumating si Joey ay available for streaming sa August 13-15, 2021 sa ktx.ph.

About John Fontanilla

Check Also

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

Rey nagulantang sa balitang hiwalay na sina Carla-Tom 

HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba naman itong balitanf naghiwalay na ang noong Oktubre 2021 …

Mike Defensor

Defensor maraming plano sa QC

MATABILni John Fontanilla MASARAP kakuwentuhan at ramdam namin ang sensiridad ni Cong. Mike Defensor na tumatakbong  Mayor …

Kris Bernal Perry Choi

Kris at Perry maglilibot muna sa iba’t ibang bansa bago mag-baby

MATABILni John Fontanilla WALA panf planong magka-baby ang newly wed na sina Kris Bernal at Perry Choi dahil gusto …

Shaira Diaz EA Guzman

EA at Shaira maagang nag-Valentine’s date

MAAGANG ipinagdiwang ng Kapuso actress na si Shaira Diaz at ng kanyang longtime boyfriend na si EA Guzman ang kanilang 9th …

Monica Herrera

Monica matagal itinago ang pagkakasakit

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI madaling tanggapin ng isang taong may sakit ang kalagayan niya …

Leave a Reply