Wednesday , March 22 2023
Francis Grey
Francis Grey

Gay movie ni Mr Pogi wholesome

Rated R
ni Rommel Gonzales

ANG lady director na si Arlyn dela Cruz ang gumawa ng indie movie na Nang Dumating Si Joey na pinagbibidahan nina Allan Paule, Rash Juzen, at Francis Grey.

Kasalukuyan itong available via streaming sa KTX.PH hanggang September 30. 

Isang wholesome gay drama film ang pelikula pero wala itong eksenang lovescene ng lalaki sa lalaki pero may pasabog na ipakikita sa isang eksena ang dating Eat Bulaga! Mr. Pogi finalist na si Francis.

Babae ang director kaya natanong ito kung hindi ba siya nahirapang magdirehe ng isang gay film.

“Hindi naman mahirap kasi hindi ako gumawa ng steamy scenes, walang halikan. Walang ganoon kaya hindi ako nahirapan.

“Kumbaga ‘yung treatment ko sa pelikulang ito although LGBTQ ang tema nito, mas nag-focus ako sa relasyon ng indibidwal, niyong character sa character na nakasalamuha niya.

“In this case sa main character ni Sandra [Allan] at ni Joey [Francis] kung paanong nag-krus ang kanilang landas.”

Wala mang gay lovescene sa pelikula, tiyak na makare-relate ang mga miyembro ng gay community.

About Rommel Gonzales

Check Also

DonBelle FranSeth Donny Pangilinan Belle Mariano Francine Diaz Seth Fedelin

DonBelle, FranSeth at iba pang youngstar tampok sa  Star Magical Prom 

ISANG maningning na gabi na puno ng saya at pagmamahal ang handog ng Star Magic para opisyal …

Klea Pineda

Klea Pineda umaming gay, member ng LGBTQIA+

RATED Rni Rommel Gonzales INAMIN ni Klea Pineda na isa siyang gay nang ipagdiwang niya ang kanyang …

Amy Austria

Amy Austria naisnab din ng ilang youngstar sa taping

RATED Rni Rommel Gonzales SA panahon ngayon, normal na para sa mga veteran at senior …

Samantha Lopez

Samantha masaya ang buhay kahit walang lovelife

RATED Rni Rommel Gonzales LOVELESS si Samantha Lopez, pero masaya siya kahit walang karelasyon. Ano ang …

Jeric Gonzales Kylie Padilla Robin Padilla

Robin ‘makikipagbakbakan’ kina Jeric at Kylie

COOL JOE!ni Joe Barrameda NATUTUWA kami at nag-enjoy si Jeric Gonzales sa taping ng Mga Lihim Ni Urduja. …

Leave a Reply