Friday , March 31 2023
Allan Paule All Souls Night

10 days guaranteed na taping ipinanawagan ni Allan

Rated R
ni Rommel Gonzales

STILL on Nang Dumating Si Joey, sa gitna ng pandemya ng Covid-19 nila ginawa ang pelikula, kaya nag- lock in shooting sila sa loob ng halos isang linggo para gawin ito.

Kung matapos na ang pandemya at normal na muli ang sitwasyon, mas pabor ba si Allan Paule na manatili ang sistema ng lock in shooting o taping, o ibalik sa dati na uwian ang mga taong involved sa produksiyon ng isang pelikula o TV show? 

“In a way pabor ang lock in taping kasi wala kayong alisan sa isang lugar. But then again doon sa mga supporting role na kagaya namin, minsan kasi isang buwan ka roon tapos limang araw ka lang magte-taping.

“So ‘di ba, parang sa isang buwan parang sayang ‘yung days na naka-lock in ka roon. Siguro, puwedeng pagkasunduan ng industry na mayroong at least ten days guaranteed na taping.

“Para hindi naman lugi ang mga artista. Actually minsan, may nakakuwentuhan nga ako, sa isang buwan, isang araw lang siyang nag-taping.

“Wala siyang magawa. Eh ‘di ba, lock in, pandemic, so hindi rin siya makauwi dahil nga hindi rin siya makakapasok kasi naka-bubble, kasi sabay-sabay silang umalis, sabay-sabay din silang babalik, kailangan.”

Maganda nga ang suggestion ni Allan na guaranteed ten days na trabaho.

“’Di ba? At least, at least may guaranteed taping. Kung sa shooting kung seven days may guaranteed ka na at least two-three days mayroon kang guaranteed. So sana ganoon para fair naman,” paliwanag pa ni Allan.

About Rommel Gonzales

Check Also

Gladys Reyes

Gladys  iyak ng iyak sa celebrity screening ng Apag

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL at hindi naiwasang maiyak ni Gladys Reyes sa special celebrity screening at press …

Eisel Serrano Carlo Aquino

Eisel Serrano natakot kay Carlo Aquino

MATABILni John Fontanilla VERY honest ang baguhang aktres na si Eisel Serrano na isa si Carlo Aquino sa showbiz …

Camille Prats

Camille naibalik nawalang cellphone sa concert

RATED Rni Rommel Gonzales MAY mabuting puso ang motorcycle delivery service na naghatid ng cellphone …

Coco Martin

Coco ilang beses na-reject noon ng ABS-CBN dahil sa pagiging bold actor

RATED Rni Rommel Gonzales REBELASYON ang kuwento ni Coco Martin sa premiere ng Apag na noong mga panahong ginawa …

Avon Rosales

Avon Rosales umalis na sa Viva

MATABILni John Fontanilla NILISAN na ng singer na si Avon Rosales ang Viva Entertainment at nasa pangangalaga na ng ARD …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *