Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Luis Manzano Vilma Santos Jessy Mendiola
Luis Manzano Vilma Santos Jessy Mendiola

Luis public servantmuna bago maging politician

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SUPER nag-enjoy si Congresswoman Vilma Santos sa Facebook at Instagram Live nila ng anak na si Luis Manzano kasama si Jessy Mendiola na pagkaraan ay sumama rin si Ryan Christian Recto. Ayaw pa nga nitong matapos ang pakikipagtsikahan sa mahigit sa 20K viewers dahil na-miss din niya ang makipaghuntahan sa kanyang fans.

Napag-usapan sa FB at IG Live ang ukol sa politika. Bukod kay Ate Vi na natanong sa pagtakbo sa Senado, natanong din si Luis kung nakapagdesisyon na siya tungkol sa usaping politika.

Anito, ”Para sa akin, kung gusto mo talaga maglingkod, kailangan mo maging public servant before ka maging politician.

“Kung sakali man in any position na pagtakbuhan ko, kung saka-sakali man. Kita niyo, ang taas ng ‘kung’, ha? I promise na I will serve you. I will serve the voters, kung sino man ‘yun. ‘Yun ang promise ko.

“Kung sakali lang, kung saan ako magsimula, konsehal, o ‘di kaya vice mayor o mayor, or vice governor, governor o sa Congress, kahit ano pa iyan na posisyon, service ang ihahatid ko sa inyo,” malinaw na sabi ni Luis.

Ukol naman sa pagtakbo ni Ate Vi sa Senado sa 2022 elections. Ang sagot niya, ”I’m considering it. Kaya lang po sa ngayon, nothing is final. Pinag-uusapan pa rin namin what’s the best.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …