Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards
Alden Richards

Fans naging wild sa hubad na katawan ni Alden

Rated R
ni Rommel Gonzales

NAGING wild ang ilang fans ni Alden Richards sa mga Instagram post niya na nakahubad at kita ang abs!

Sa PEP Spotlight interview ni Alden, ikinuwento nito ang pinaka-wild na reaksiyon ng kanyang fans sa shirtless photos niya.

“May ilan po sa kanila gusto nila magpaanak sa akin,” ang tila nahihiya at medyo namumulang kuwento ng binata.

Para kay Alden, compliment ang ganoong comment sa kanyang pinaghirapang workout regimen.

“Pero siyempre, free opinion naman. Kumbaga, it shows na okay po iyong result.

“Kasi siyempre, when you work out, when you exert effort, personally, reward ‘yung you see results of your hard work.

’Yun lang. Flex-flex lang tayo.

“Sobrang thankful ako sa kanila. Very positive naman ang comments nila.”

May nagkomento ring kinilig sila sa pa-pandesal ni Alden, na perfect daw na pang-almusal kasabay ng kape ang topless photo nito.

May isa pang nagkomento sa hubad na larawan ni Alden ito ay, ’Apakan mo ako.’ Ang ibig sabihin, handa silang magpaalipin kay Alden, handa sila kahit na ano pa ang gustong gawin sa kanila ng guwapo at hunky na Kapuso star

Mayroon din namang tila nahiya o “natakot” na laswain si Alden dahil may suot itong kuwintas na may palawit na krus, kaya ang naikomento na lang ng naturang netizen ay, ”ge, may crucifix eh, ilulunok ko na lang kung ano man ang gusto kong sabihin.”

Taong 2020 nagseryoso at nagsipag nang husto si Alden sa pagwo-workout nang may gawin itong isang product endorsement.

Minaintain ko lang siya para you can see yourself on screen na very pleasing. Siyempre magpapakita rin tayo ng katawan dito sa serye,” ani Alden na ang tinutukoy ay ang primetime series na The World Between Us.

“Kasi matanda na tayo. I’m turning 30 next year. It’s about time to step up a bit from the usual.

“You give a certain impression when you do something. Para maiba lang. Reinvent lang tayo.”

Gumaganap si Alden bilang Louie Asuncion sa The World Between Us kasama sina Jasmine Curtis-Smith bilang Lia Libradilla at Tom Rodriguez bilang Brian Libradilla. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …