I-FLEX
ni Jun Nardo
ETSAPUWERA ang mga batikang director ngayong araw na ito sa huling State of the Nation Address (SONA) ni President Digong Duterte, ayon sa reports.
Simple lang daw ang magaganap na SONA at isang hindi masyadong kilalang director sa TV ang naatasang magdirehe.
Nganga rin sa SONA ang mga kilalang fashion designers. Wala na rin daw magaganap na red carpet para sa imbitado sa SONA. So, hindi na maidi-display ng mga imbitado ang kanilang gown at damit bago magsimula ang SONA, huh!