Cinema Movie Now Showing

Direktor umaangal sa hina ng pelikula sa takilya 

I-FLEX
ni Jun Nardo

UMAANGAL ang isang director ng pelikulang showing na ngayon. Eh mukhang mahina sa takilya ito base sa post niya.

Libo raw ang followers ng director sa Facebook account niya. Pero ilang daan lang daw ang nanood. huh.

Of course, maraming factors kung bakit pinanonood o hindi ang isang pelikula. Hindi porke maraming followers sa social media account eh, tatangkilikin ang produkto niya.

Eh sa mahal ng bilihin ngayon bilang epekto ng mataas na presyo ng petrolyo, mas uunahin muna ang kabusugan ng tiyan kaysa kabusugan ng mata, huh!