Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Umagaw ng atensiyon sa Panti Sisters Rosanna Roces kabogera sa bagong pelikula ng Viva

UMANI ng libo-libong views ang exclusive one on one no holds barred interview ni Rosanna Roces sa kaibigang matalik na si Butch Francisco sa “PIKA PIKA.”

Dito ay napanood ng publiko kung gaano katapat at katotoo sa kanyang sarili si Rosanna na open book ang buhay sa kanyang fans and supporters. Sa nasabing panayam ay aminado si Osang na maraming tao ang nanamantala sa kanyang kasikatan pero sa ngayon ay tahimik na siya at masaya sa simpleng buhay kasama ng mga taong mahal niya.

At dahil mabait at may talento ay hindi pinababayaan ng Diyos ang aktres at kaliwa’t kanan pa rin ang alok na dumarating sa kanya. Tapos na niyang gawin ang pelikulang “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” na maglulunsad sa baguhang sexy star na si AJ Raval na daughter ng actor na si Jeric Raval. At dahil lock-in silang buong cast nang 14 days sa Subic Zambales ay may nabuong magandang samahan sa pagitan ni Osang at mga co-stars na sina Alma Moreno, Maui Taylor, at Ara Mina at kitang-kita ito sa group pictures nila kasama ang bagitong director ng pelikula na si Darryl Yap na anila’y ‘hayup’ sa husay at galing magdirek. Kung umagaw noon ng atensiyon si Osang sa sa mga manonood sa blockbuster film nilang “The Panti Sisters,” dito sa Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar ay kabogera ang character na ginagampan ng actress na may double meaning man ang dialogues ay hindi bastos ang dating kundi matatawa ka sa kanilang mga eksena lalo sa training nila sa mga baguhang nais maging hubadera sa pelikula na may acrobatic sexy scenes pang kasama.

At ang galing na teacher ni Osang sa movie, kaya nagawa nang mahusay ni AJ ang humalinghing nang tama na kunwari ay sarap na sarap sa ka-sex.

Well my vibes is malayo ang mararating ng film na ito na bukod sa tatabo sa takilya ay puwedeng maipalabas sa Netflix o iba pang digital platforms.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …