Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, nag-back-out sa My First Yaya (Tandem with Gabby, ‘di na tuloy)

KINOMPIRMA ni Marian Rivera ang pag-back out sa Kapuso series na My First Yaya kahit nasimulan na niyang mag-taping bago ang malawakang pandemya sa bansa.

Kinompirma ni Yan ang pagtangging ituloy ang series kaya tuluyan nang naudlot ang pagsasama nila ni Gabby Concepcion.

“Alam kong ginawa para sa akin ‘yung series. Nanghihiyang din ako dahil hindi na talaga matutuloy ang pagsasama namin ni Kuya Gabby. Tinawagan ko rin siya at humingi ng pasensiya.

“Nakaka­takot pa rin kasi. Eh, may dalawa akong anak. Nagpapadede pa ako. Paano kung tamaan o mahawa ako sa virus?

“Tanggap ko rin naman kung palitan ako ng ibang artista. Desisyon na ng GMA kung isi-shelved nila ito.

“Basta gusto kong magpasalamat sa GMA dahil naiintindihan nila ang sitwasyon ko maski noong panahong buntis ako kaya todo ang pasasalamat ko sa kanila,” paliwanag ni Marian sa zoom interview niya sa press.

Habang nasa bahay, kasama niya ang anak na si Zia sa pag-guide sa online classes ng bata. Ma-aaral din siya ng on-line class sa baking at aasikasuhin ang flower business.

May pumapasok namang endorsement niya pero limang oras lang ang shoot niya at may sariiling dala na misting machine at two-way radio ang gamit sa komunikasyon para sa instructions.

“Patuloy na lang tayong mag-ingat at magdasal para matapos na ang pandemyang ito!” lahad pa ng GMA Primetime Queen.

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …