Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni German Moreno na si Federico ipinalit ni Harlene Bautista kay Romnick Sarmenta

MEDYO matagal nang hiwalay sina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta. Sila ay mayroong apat na anak. Si Romnick ay may bago nang karelasyon na naging sanhi ng hiwalayan nila ni Harlene at walang balita kung nag-uusap na ba ang dating mag-asawa.

Last September 4, ginulat ni Harlene ang kanyang FB followers nang mag-post siya ng larawan na magkasama sila ni Federico Moreno, anak ng namayapang si Kuya Germs, at binati niya ito ng happy first monthsary sa date nila na kuha sa hotel o restaurant.

Dating may asawa si Federico at kasal siya sa kapatid nina Vina Morales at Shaina Magdayao na si Sheila Magdayao, at mayroon din silang four children.

Sa aming pagkakaalam, two years nang hiwalay si Federico at Sheila kaya walang problema kung sila na ni Harlene and for sure tanggap naman ito ni Romnick lalo’t siya ang unang nagloko.

Well sana maging maayos ang relasyon dito ni Harlene at maraming hindi magagandang balita tungkol sa bago niyang boyfriend.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …