TATLONG babaeng tulak ng droga ang nasakote, na kinabibilang ng isang fire protection agent matapos makuhaan ng mahigit sa P.2 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na sina Reya Remodaro, 24 anyos, sales lady; Elizabeth Yabut, 59 anyos, kapwa residente sa Sawata A1, Caloocan City; at Glen Ritaga, 48 anyos, fire protection agent, residente sa Mary Ann St., Isla San Juan, Tondo, Manila City.
Ayon kay Col. Tamayao, dakong 4:10 am nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Adonis Aguila ang buy bust operation laban sa dalawang babae sa kanto ng Dalagang Bukid at Tanigue streets sa Barangay Longos.
Matapos matanggap ng pulisya ang impormasyon hinggil sa bentahan ng ilegal na droga, agad nagkasa ng operasyon ang mga awtoridad.
Nagawang makipagtransaskyon ng isang pulis na umaktong poseur-buyer kina Remodaro at Yabut ng P500 halaga ng shabu.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad silang inaresto ng mga operatiba.
Nakompiska sa mga suspek ang 47 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 37.3 gramo ng shabu na may standard drug price P253,640, buy bust money, at sling bag.
Kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002 ang kinakaharap ng tatlong suspek.
(ROMMEL SALES)