Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drugs dead

Tulak patay 14 nasakote sa buy bust  

NAPATAY ang isang tulak na notoryus sa pangangalakal ng ilegal na droga habang arestado ang 14 drug suspects sa magkakasunod na buy bust operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 3 Setyembre.

 

Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, ang suspek na kinilalang si Allan Sicio ay napatay sa Carriedo Road, Melody Heights, Barangay Muzon, sa lungsod ng San Jose Del Monte, dakong 10:20 pm nitong Miyerkoles.

 

Nabatid na aarestohin ang suspek matapos kumasa sa ipinaing buy bust operation ng pulisya ngunit imbes sumuko ay nanlaban na nagresulta sa kaniyang kamatayan.

 

Narekober ng police operatives sa lugar ng insidente ang isang selyadong plastic sachet ng shabu at isang kalibre .38 pistola.

 

Kasunod nito, 14 drug suspects ang nasakote sa magkakasunod na buy bust operations na inilatag ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Baliwag, Bocaue, Hagonoy, Plaridel, San Miguel, San Rafael at San Jose Del Monte PNP.

 

Nakompiska ng pulisya mula sa mga suspek ang may kabuuang 66 plastic sachets ng shabu at buy bust money. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …