Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Regional Kabalikat Award nasungkit ng Navotas  

SA GITNA ng pandemyang CoVid-19 at mga nakapipinsalang epekto nito, ang pamahalaang lungsod ng Navotas ay kinilala sa mahusay na pagsasanay ng technical-vocational (tech-voc) education, at skills training.

 

Dahil dito, nakatanggap ang Navotas Vocational Training and Assessment (NavotaAs) Institute ng Regional Kabalikat Award mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

 

“Kami ay nagpapasalamat sa parangal at natanggap na award na ito. Pinatunayan nito ang aming mga pagsisikap na maibigay sa aming mga mamamayan ang pagkakataon para sa pagpapanatili ng trabaho at kabuhayan,” pahayag ni Mayor Toby Tiangco.

 

“Inaasahan namin na mas mapukaw nito ang mga empleyado, mga miyembro ng board at iba pang mga stakeholder ng NavotaAs Institute upang ipagpatuloy ang kanilang marangal na misyon ng pagtulong sa buhay ng Navoteños,” dagdag niya.

 

Napili ang Navotas batay sa progresibo at napapanatiling mga inisyatibo na nagreresulta sa mga karagdagang kurso sa tech-voc at pagtaas ng bilang ng mga nagtapos sa bawat taon.

 

Nabanggit ng TESDA, sa pagitan ng 2017 hanggang 2019, ang NavotaAs Institute ay nakapagrehistro ng 15 karagdagang mga pagsasanay sa programa at kalipikasyon sa pagtataya.

 

Mayroon ngayong 32 kurso sa tech-voc na inaalok nang libre para sa lahat ng mga Navoteño.

 

Sa loob ng tatlong taon, nagawa ng Institute ang halos 2,100 nagtapos, lahat ay sinuri at nakuha ang kanilang Pambansang Sertipiko nang libre.

 

Pinuri rin ng TESDA ang Institute para sa karagdagang pagtulong sa kanilang trainees na magtagumpay sa kanilang larangan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang mga kasanayan sa skills training, job fairs, job referrals, at entrepreneurship seminars.

 

Sa mga nagtapos, halos 1,050 o 50% ang inupahan at binigyan ng trabaho sa pamamagitan ng kanilang tulong.

 

Noong nakaraang Hunyo, nilagdaan ng pamahalaang lungsod at TESDA ang isang memorandum of agreement na nagtatag ng TESDA – NavotaAs Training Institute, na nagbibigay ng mga bagong kurso sa tech-voc na napapanahon at angkop para sa paglipat sa new normal. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …