Saturday , November 16 2024
Stab saksak dead

Selosong kelot patay sa saksak  

TODAS ang isang selosong 20-anyos lalaki nang saksakin ng sinakal niyang pinagseselosang katrabaho ng girlfriend sa Valenzuela City.

 

Dead on arrival sa Valenzuela Medical Center (VMC) ang biktimang si Jerome Vicente, residente sa Sauyo, Quezon City dahil sa dalawang saksak sa katawan.

 

Agad naaresto ang  suspek na si Joseph Llona, Jr., 18 anyos, residente sa NPC Sukaban, Caloocan City na sasampahan ng kasong homicide.

 

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa kanto ng P. Santiago at Miranda streets, Barangay Paso De Blas.

 

Nabatid na galing sa inuman ang magkatrabahong suspek at girlfriend ng biktimang itinago sa pangalang Curacha at matapos ang inuman ay tinawagan ang babae ng biktima na kanyang boyfriend.

 

Sa hindi malamang dahilan, lalaki ang sumagot sa telepono ng bebot na ikinapraning ni Vicente na agad sumugod sa bahay ni Curacha sa paniniwala umanong kapag may alak, tiyak may balak.

 

Nagtalo ang magkasintaha kasunod nito’y sinundan ng biktima ang suspek na naglalakad papuntang Miranda St., at biglang sinakal ni Vicente si Llona.

 

Lingid sa biktima ay may dalang patalim ang suspek at dalawang beses siyang kinadyot na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

 

Tumalilis ang suspek matapos ang insidente ngunit natunton at dinakip ng mga pulis sa kanyang bahay ilang oras ang makalipas. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *