Saturday , November 16 2024
stab ice pick

Malakas mumamam tinarakan ng katagay

MALUBHANG nasugatan ang isang helper na sinabing malakas tumagay matapos tarakan ng ice pick sa dibdib at sa likod ng kanyang kainuman sa Malabon City, kahapon ng umaga.

 

Patuloy na ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Ronie Ocampo, 25 anyos, residente sa #143 Blk. 5 Bagong Silang, San Jose, Navotas City sanhi ng mga saksak sa dibdib at likod.

 

Naaresto ng nagrespondeng mga pulis ang suspek na si Leo Cabanganan, 35 anyos, helper ng Estrella St., Barangay Tañong, Malabon City at narekober ang ginamit na ice pick sa pananaksak sa biktima.

 

Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, dakong 9:00 am, nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa loob ng Malabon Fish port/Consignacion Market sa Estrella St., Barangy Tañong.

 

Matapos makaubos ng ilang bote ng alak, umuwi ang suspek at makalipas ang ilang sandali ay bumalik na armado ng ice pick at sa hindi malamang dahilan ay tinarakan sa dibdib at likod si Ocampo.

 

Sa kabila ng saksak, nagawang makatakbo ng biktima at makahingi ng tulong sa mga tauhan ng Sub-Station 6 na nagdala sa kanya sa naturang pagamutan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *