Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mabait ang Diyos sa Pinoy singer na si JC Garcia

Nitong mga nakaraang araw ay may taong nagbigay ng stress sa Sanfo based recording artist na si JC Garcia. Base sa post ni JC sa kanyang FB ay may mga tao talaga na ayaw siyang maging masaya.

Ito ay may kaugnayan sa kanyang matagal nang posisyon sa Security Public Storage sa Daly City, California, na mahigit isang dekada na siyang nagtatrabaho sa nasabing kompanya.

Pero yesterday nang mag-check kami sa Facebook ni JC ay very positive ang aura nito na pinasasalamatan niya ang Itaas dahil nadagdagan na naman sila ng tenant at ‘yung iba sa kanila ay nagregalo pa sa kanya dahil alam nila na malapit na ang birthday ng kaibigan naming singer.

After ma-stress sa kagagawan nga ng nilalang na ayaw pangalan ni JC, heto at sunod-sunod ang biyayang dumarating sa kanya.

Sobrang patient ng nasabing singer-dancer, at kung maaari lang ay ayaw niyang magalit pero dahil tao lang at hindi niya ito maiiwasan.

Pampa-good vibes ni JC sa lahat ng kanyang supporters ang kanyang dance videos na napapanood sa kanyang Tiktok account na marami ng followers.

Pinakapatok na dance video nito ang “Señorita” na kaaaliwan mo si JC sa kanyang dance moves rito.

Happy Birthday in advance my amigong JC Garcia.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …