Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards Bea Alonzo

FAKE NEWS! Paglipat ni Bea Alonzo sa GMA na itatambal raw kay Alden Richards

TAON talaga yata ni Mocha Uson, ang 2020 dahil naglipana ang mga vlogger na pawang imbento ang mga balita na kinakagat naman ng kanilang viewers. At naniniguro sila na para huwag ma-bash at makuwestiyon ang kanilang gawa-gawang kuwento sa mga kilalang artista ay turned-off ang kanilang comment box. Ang kakafal ‘di ba, ayaw ma-bash pero ayaw tumigil sa pagkakalat ng fake news.

Well tuloy-tuloy pa rin ‘yung KC Concepcion-Piolo Pascual issue nila na ginawa na nilang parang teleserye. Pero butata naman silang lahat dahil sa magkahiwalay na recent interview ni KC sa parehong blogger at writer ng ABS-CBN na sina Ms. Mela Habijan at G3 San Diego ay sinabi ni KC na civil sila ni Piolo sa isa’t isa pero hindi na sila nagkikita.

At ang type ng actress na gusto niyang mapangasawa ay ‘yung ang mundo ay hindi lang sa buong Filipinas kundi global. She wants a global life at mukhang kompara kina Piolo at isa pang ex na si Aly Borromeo, isang footballer at member ng AZKALS, base sa panayam sa aktres ay tila may chance na balikan niya ang former French Bf na si Pierre Plassart.

Samantala, si Bea Alonzo ang bagong biktima ng fake news na lumipat na raw sa GMA 7 para maging partner ni Alden Richards sa gagawing drama series ng actor.

Kalokah, talaga ang mga imbentor YouTubers. Sa TVC nagkasama sina Bea at Alden at itong series na gagawin ng Kapuso actor ay si Jennylyn Mercado ang kanyang makakapareha kaya super koryente ang chikang nilayasan na ni Bea ang Kapamilya network.

And the mere fact na walang pinalabas na press statement ang presidente ng ABS-CBN Corporate Communications na si Sir Kane Errol-Choa at ang Star Magic ay isa lang ang ibig sabihin, hanggang ngayon ay nananatiling contract star ng ABS-CBN si Ms. Alonzo.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …