BIDANG-BIDA ang singer na si Jose Mari Chan sa simula ng “ber” months kahapon, September 1.
Guest si Jose Mari sa Kapuso morning program na Unang Hirit kahapon at ipinarinig ang classic Christmas song niyang Christmas In Our Hearts na kasama ang ilang members ng family at kinanta ito.
Then, may phone patch interview siya sa DZBB radio show ni Arnold Clavio, 9:00 a.m..
Ang veteran singer ang tinatawag ngayong Mr. Christmas dahil ang kanyang Christmas songs ang naririnig agad sa radio.
Pahayag ni Chan, “I’m flattered, but I don’t want to them to call me Mr. Christmas because there’s only one King of Christmas – that’s Baby Jesus.
“Let me be called the Little Drummer Boy that heralds the season, Christmas is coming.”
Gaya ng lahat ng tao, wish din ni Jose Mari na matapos na ang pandemic at makabalik na sa trabaho ang lahat.
Tawagin man ng iba na Pas-Covid, PasQ at iba pa ang season, harapin natin ang Pasko na puno ng pag-asa at pananalig sa Diyos na bumalik na sa normal ang lahat sa buong mundo!
I-FLEX
ni Jun Nardo