Saturday , November 16 2024
Stab saksak dead

Auto-electrician todas sa patalim ng matansero

PATAY ang isang 58-anyos auto-electrician makaraang pagtutusukin ng patalim ng isang matansero sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

Dead on arrival sa Ospital ng Malabon (OsMa) ang biktimang kinilalang si Wilfredo Lasin, residente sa Javier ll, Barangay Baritan sanhi ng maraming tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 

Agad naaresto ang suspek sa bahay nito habang naghahandang tumakas na kinilalang si Jerwin Lorenzo, 33-anyos, matansero, at residente sa Luna II St., Barangay San Agustin dala ang ginamit na patalim.

 

Batay sa ulat ni P/SSgt. Jose Romeo Germinal II, dakong 8:50 pm nang maganap ang pananaksak sa biktima sa tapat ng bahay ng suspek sa nasabing barangay.

 

Nakaupo umano ang biktima sa nasabing lugar nang biglang dumating ang suspek na armado ng patalim at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima nang ilang ulit.

 

Matapos ito ay iniwan ng suspek ang duguang si Lasin habang nakahandusay sa semento.

 

Agad tinulungan ng mga tambay sa lugar ang biktima at isinugod sa ospital ngunit ilang minuto lamang ay idineklarang patay ng doktor na si Dr. Calopez Michael Roco.

 

Nahaharap ang suspek sa kasong murder na kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Malabon City police. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *