Saturday , November 16 2024
dead gun

Snatcher, todas (Baril ng pulis tinangkang agawin, pumutok)

ISANG hinihinalang snatcher ang tinamaan ng bala nang pumutok ang baril ng pulis na kanyang tinangkang agawin sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Malabon police chief, Col. Jessie Tamayao, hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Malabon sanhi ng tama ng bala sa katawan ang suspek na si John Paul Sanchez, 20 anyos, residente sa Kaingin St., M. H. Del Pilar, Barangay Tinajeros.

Sa ulat ni P/SSgt. Jose Romeo Germinal II, dakong 10:25 pm, mina­maneho ni P/SSgt. Leo Lubiano, 41 anyos, nakatalaga sa Malabon Police Sub-Station 2 ang kanyang motorsiklo nang hingan siya ng tulong ni Rossana Santos, 37 anyos, piyansadora ng Katarungan St., Barangay Muzon, makaraang hablutin ng suspek ang kanyang bag sa M. H Del Pilar, Barangay Tinajeros.

Dahil dito, hinabol ng pulis ang suspek na sasakay na sana sa kanyang motorsiklo pero napigilan nang siya ay magpakilalang pulis.

Nang kunin ng pulis ang inagaw na bag, nagkaroon ng pagkakataon ang suspek at bigla na lamang sinunggaban ang service firearm ni Lubiano na naging dahilan upang magpambuno ang dalwa hanggang pumutok ang baril at tinamaan sa katawan si Sanchez.

Matapos ang insidente, mabilis na isinugod ng pulis ang suspek sa naturang pagamutan habang narekober ng mga tauhan ng SOCO na nagresponde sa crime scene ang isang itim na coin purse na naglalaman ng tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu mula sa motorsiklo ng suspek. (ROMMEL SALES)

 

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *