Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ros film production may pa-search para sa “star icon” na puwedeng magwagi ng P10K

Tuloy-tuloy sa pag­tuklas para sa mga baguhang singer at rapper ang filmmaker/record/MTV producer na si Direk Reyno Oposa.

Matapos mabigyan ng break ang ilang artists na tulad ni Ibayo Rap Smith na ang dalawang Music Video ng kantang Inspirado at Quarantimer ft by Kiel na mapapanood sa Reyno Oposa Official sa YouTube na pumalo sa 288K views ang Inspirado at 12K views naman para sa Quarantimer.

Nariyan din ang Hindi Na Kita Mahal ni Eman Bautista, Pinagtagpo ‘Di Tinadhana ni Rosa Mejica at ang sariling Music Video ng Bakit Ba? ni Direk Reyno. Ipinakita na rin sa nasabing YouTube channel ng kaibigan naming director ang latest MV nila para sa kantang Walang Kagaya by Yhanzy, Jhack, Eli, and featuring Leng Altura na this September na nakatakdang ilunsad.

Yes tulad ng ating nabanggit sa itaas ay naghahanap ang Ros Film Production ng new breed of rapper and singer na may original beat and lyrics o love song accompanied by guitar.

Ito ay para sa kanilang search for “The Star Icon” na ang mapipili ay puwedeng magwagi ng tumataginting na 10,000 cash. Kahit na hindi raw guwapo, basta mabait ay welcome na welcome sa kanilang pakontes, ayon kay Direk Oposa.

Puwede ninyong ipadala ang inyong music demo sa messenger mismo ni Reyno Oposa o sent to his email add at [email protected].

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …