Saturday , November 16 2024

Pulis-Pandi inireklamo ng Kadamay sa Ombudsman (Sa pagsalakay sa tanggapan at pagkumpiska sa Pinoy Weekly)

NAGHAIN ng pormal na reklamo noong Biyernes, 28 Agosto, ang urban poor group na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa Office of the Ombudsman laban sa police officials ng Pandi, sa lalawigan ng Bulacan kaugnay sa sinasabi nilang ‘panunupil’ na ginawa laban sa kanila.

Ayon sa Kadamay, naghain sila ng reklamong robbery, gross misconduct, conduct unbecoming of a public official, at conduct prejudicial to the best interest of the service, laban sa mga pulis-Pandi na anila’y sinalakay ang kanilang tanggapan at kumuha ng mga kopya ng kanilang pahayagang Pinoy Weekly.

Kung matatandaan, nitong nakaraang Hulyo ay kinompiska ng mga pulis-Pandi ang mga materyal sa tanggapan ng Kadamay na sinasabing subersibo.

Sa Facebook post mula sa Pinoy Weekly, binanggit na ipinagdidiinan ng mga pulis na ang publikasyon ay ilegal at nagtuturo sa mga taong labanan ang gobyerno.

Naganap ang nasabing pagsalakay matapos ang sunod-sunod na pag-aresto ng pulisya sa mga lokal na lider ng Kadamay sa nabanggit na bayan.

“Sa mahabang panahon, sunod-sunod ang harassment, pananakot, pagbabanta, at pag-aresto ng PNP sa mga Kadamay sa Pandi. Noong nag-lockdown, imbes makatulong, lalo lang tumindi ang ganitong trato sa amin,” ani Kadamay national spokesperson Mimi Doringo.

Una nang ipinahayag ni Philippine National Police (PNP) chief Archie Gamboa na hindi puwedeng gamitin ng mga pulis ang Anti-Terror Act upang paratangan na ang mga nakompiskang dokumento ay subersibo.

Binanggit ng PNP chief na ang pagpapawalang-bisa sa Republic Act 1700, the Anti-Subversion Law of 1957, ay nangangahulugan na ang nasabing mga ‘dokumento’ ay hindi na maaaring ipakahulugan na subersibo.

Noong 30 Hulyo, ang mga editor ng Pinoy Weekly at iba pang alternatibong media groups ay una nang nagsampa ng reklamo sa Commission on Human Rights laban sa mga pulis-Pandi kaugnay sa nasabing insidente.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *