Saturday , November 16 2024
arrest prison

Killer ng mag-ina sa Hagonoy nasakote  

AGAD nalutas ng pulisya ang karumal-dumal na pagpatay sa mag-ina sa loob ng kanilang bahay sa Purok 2, Barangay Mercado, sa bayan ng Hagonoy, lalawigan ng Bulacan nitong 21 Agosto nang madakip ang pangunahing suspek sa krimen.

Sa ulat mula kay P/Capt. Mark Anthonoy Tiongson, OIC ng Hagonoy Municipal Police Station (MPS), kinilala ang naarestong suspek na si Alberto Aguinaldo alyas Bentong, 20 anyos, binata, at kapitbahay ng mag-ina sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni Pat. Crisanty Aguinaldo, may hawak ng kaso, natagpuan ang bangkay ng mag-inang sina Carmelita Tungol, 69  anyos, at anak na si Mary Grace, 43 anyos, noong nakaraang Biyernes matapos ireport sa kanilang himpilan ng mga kaanak ng biktima.

Nabatid na unang napansin ng mga kapitbahay at kaanak ng mga biktima na ilang araw nang hindi lumalabas ng kanilang tahanan ang mag-ina.

Nang puntahan nila ang loob ng tahanan ng mga biktima ay labis ang pagkagimbal nang makita ang tigmak ng dugo na mga katawan ng mag-ina at ang nakasusulasok na amoy ang bumungad sa kanila.

Ayon kay Pat. Aguinaldo, nahuli nila ang suspek noong 22 Agosto dakong 9:30 pm, sa Barangay Hall ng Mercado matapos ireklamo ng pagbabanta na papatayin niya ang kaanak ng dalawang biktima nang magkasalubong sa daan.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na agad nagduda ang mga awtoridad sa suspek dahil sa footprints na iniwan nito sa crime scene gayondin ang bakas ng kanyang mga kamay ay magkatugma na pinatunayan ng SOCO.

Umamin ang nadakip na suspek na siya ang may kagagawan sa pagpatay sa mag-ina dahil nagalit nang hindi siya payagang ikabit ang kanyang linya ng koryente sa tahanan ng pamilya Tungol.

Sinasabing umakyat ang suspek sa itaas ng bubong noong Martes, 18 Agosto, ng madaling araw, at nang makapasok ay magkasunod na sinaksak ng kutsilyo ang mag-ina nang magising saka kinuha ang P5,000 sa pitaka ng matandang Tungol.

Nakadetine na ang suspek sa Hagonoy Municipal Jail na ngayon ay nahaharap sa dalawang kaso ng Murder bukod pa sa kasong pagbabanta at resisting arrest. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *