PININIWALAAN ng pulisya na dahil sa hirap at higpit ng pagbibiyahe ng shabu ngayong pandemya, ilang tulak sa Bulacan ang luminya sa pagbebenta ng marijuana sa drug users.
Sa sunod-sunod na drug operations ng Bulacan police, karamihan sa mga nahuli ay marijuana ang ibinibenta.
Sa ulat na isinumite kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, 24 drug suspects ang natiklo sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations ng Station Drug Enforcement Unit ng mga municipal at city police stations ng Balagtas, Meycauayan, Norzagaray, San Jose del Monte, Malolos, Guiguinto, Sta.Maria at Baliwag.
Nasamam ang may kabuuang 39 selyadong plastic sachets ng shabu ng mga awtoridad kasama ang mga pinatuyong dahon ng marijuana mula sa mga nadakip na suspek.
Upang makalusot sa mga quarantine checkpoints, itinatago ng mga tulak ang marijuana sa baby diaper o sa mga nakatiklop na folded paper.
Kasalakuyang minamanmanan ng mga awtoridad kung saan hinahango ng mga nasakoteng drug suspects ang mga pinatuyong dahon ng marijuana. (M. B.)