Sunday , December 22 2024

Ang liham (email) ni PRO1 RD P/BGen. Rodolfo Azurin, Jr.

UNA po sa lahat, nais po natin pasalamatan si PRO1 RD P/BGen. Rodolfo Azurin, Jr., sa kanyang maagap na pagtugon sa isyung ating tinalakay sa Bulabugin nitong nakaraang Martes, 18 Agosto, kaugnay ng nasagap natin sa ‘grapevine’ na namumunini ang operasyon ng jueteng sa Pangasinan ng isang alyas Tony Oh a.k.a. Tony Ong.

Ipinamamalita umano ng isang alyas Tony Oh na ‘naibulsa’ na niya ang ilang opisyal ng PNP sa nasabing lalawigan kaya naman tila ‘maalwan’ ang operasyon ng kanyang jueteng.

Mukhang hindi nagustohan ni PNP PRO1 regional director, P/BGen, Rodolfo Azurin, Jr., na nabanggit ang kanyang pangalan sa kolum at mukhang na-misinterpret niya na inaakusahan natin siyang tumatanggap ng ‘grease money’ mula kay alyas Tony Oh.

Paumanhin po P/BGen. Azurin, kung iba ang naging dating sa inyo ng pagkakabanggit ko sa inyong pangalan. Pero ako po’y walang layuning akusahan kayo na nakikinabang sa jueteng kundi nais ko lang ipaabot sa inyo na kinakaladkad ng isang alyas Tony Oh ang PNP-PRO1 sa operasyon ng kanyang jueteng.

Alam ko pong sa “34 taon ninyo sa police service” ay batid ninyong hindi puwedeng hindi makaladkad ang pangalan ng mga opisyal ng pulisya lalo’t namamayagpag ang operasyon ng jueteng.

Isa po ako sa mga natutuwa na matapos ninyong mabasa ang ating kolum noong 18 Agosto ay agad kayong lumiham noong 19 Agosto, at natanggap namin sa email nitong 20 Agosto, bilang paglilinaw na hindi kayo tumatanggap ng ‘grease money’ mula sa isang alyas Tony Oh.

At ipinatutupad ninyo nang husto ang “no take policy” ng inyong opisina.

At kinabukasan 21 Agosto ay nabasa namin sa isang pahayagan na ipinaaresto ninyo ang 173 katao na pinaghihinalaang sangkot sa jueteng at nakakompiska ng P.8 milyong bet money sa buong lalawigan ng Pangasinan. Pati na ang jueteng operator.

Job well done, PRO1 RD P/BGen. Azurin.

Maraming salamat po sa mabilis ninyong pag-aksiyon nang tawagin namin ang inyong atensiyon kaugnay ng ‘ipinamamarali’ ni alyas Tony Ong na naibulsa na niya ang mga opisyal ng LGU at PNP sa Pangasinan at sa PRO1.

Inakala kong kayo’y nagbalat-sibuyas dahil sa binanggit ninyo sa inyong liham na kayo’y aking inakusahang tumatanggap ng ‘grease money’ mula sa jueteng ni Tony Oh.

Pero dahil sa ginawa ninyong pagpapahuli sa 173 kataong pinaghihinalaang sangkot sa jueteng, pinanindigan ninyo ang inyong liham.

Gusto ko ulit linawin na ang Bulabugin ay walang layunin na bahiran o magkulapol ng dumi sa 34 taong serbisyo ninyo sa PNP, bagkus, nais ko lang pong ipaabot sa inyong kaalaman na ang pangalan ninyo’y kinakaladkad ng isang jueteng operator.

Ang layunin po ngayon ng muli kong pagbanggit sa inyong pangalan ay una, upang linawin na hindi ko kayo inaakusahan; at ikalawa, upang ipabatid sa publiko ang mabilis ninyong pag-aksiyon.

Isang pagpapatunay na hindi kayo nagpapabaya sa inyong trabaho dahil maagap ninyong natutugunan ang mga isyung sumisira sa pangalan ng PNP.

Umaasa po ang inyong lingkod na naiklaro ko ang ‘misinterpretasyon’ sa aking kolum noong 18 Agosto.

Nawa’y ibahagi rin ninyo sa amin ang mga ginagawa pa ninyong pagtugis sa mga ilegalistang tunay na sumisira sa pangalan ng PNP.

Tama po kayo, bilang isang mamamahayag, patuloy ko pong ipinapraktis ang patas na pamamahayag.

Maraming salamat po.

Mabuhay po kayo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *