Monday , December 23 2024

Ex-mayoral candidate sa Meycauayan patay sa pamamaril

PINAGBABARIL hanggang mamatay ang isang negosyante sa lungsod ng Meycauayan, sa lalawigan ng Bulacan, kamakalawa ng tanghali, 17 Agosto.

 

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Bernardo Pagaduan, hepe ng Meycauayan City Police Station (CPS), kinilala ang biktimang si Ryan Afable Cayanan, 45 anyos, tumakbo sa pagkaalkalde ng naturang lungsod noong 2019 ngunit hindi nagwagi.

 

Ayon sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Meycauayan CPS, nagmamaneho si Cayanan ng motorsiklo sa McArthur Highway, sa bahagi ng Barangay Banga, sa naturang lungsod, nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan dakong 12:30 pm.

 

Naisugod pa sa Meycauayan Doctors Hospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas dahil sa malulubhang tama ng bala sa katawan.

 

Sa patuloy na pag-iimbestiga ng pulisya, napag-alamang nakatatanggap ng pagbabanta sa kaniyang buhay si Cayanan.

 

Sa kaniyang social media post, nakasaad ang paghingi niya ng hustisya para sa isang Nikko Pulumbarit na pinatay din noong nakaraang linggo sa Barangay Malhacan, sa naturang lungsod.

 

Ito ang isang sinisilip na anggulo ng pulisya na posibleng motibo sa pagpatay sa biktima. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *