Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dapat may simpatya hindi basta tsismosa (Contact tracers sa Valenzuela)

ITO ang inihayag ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na kailangan ng emosyon at napakahalaga ng simpatya bilang CoVid-19 contact tracer at sa proseso ay pinatunayang hindi basta ‘tsismosa’ ay puwede na.

Sinabi ng alkalde ang nasabing pahayag sa pakikipagpulong sa mga bagong contact tracers at encoders na sumailalim sa contact tracing and surveillance training.

“Itong trabaho na ‘to kailangan ng emosyon, para makuha ang tamang impormasyon mula sa mga pasyente. Isipin ninyo ‘yung patient ninyo ay kapamilya ninyo.

“Kung paano ninyo gustong tratohin kung kayo ‘yung pasyente, ganon ninyo sila tratohin,” ani Gatchalian.

Pinaiigting ng lungsod ang contact tracing nito at pinalaki ang City Epidemiology and Surveillance Unit sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas maraming contact tracers at encoders para maser­bisyohan ang mga ulat na may kinalaman sa CoVid-19 sa lahat ng araw sa buong linggo 24 oras.

Magugunitang ang lungsod ng Caloocan ang naunang nagpatotoo na hindi sapat ang pagiging ‘tsismosa’ para maging contact tracer nang isailalim sa apat na araw na pagsasanay ang 400 kataong kinabibilangan ng psychologists at iba pa.

Gaya sa Valenzuela, tinuruan ang mga bagong contact tracers sa Caloocan kung paano ang tamang pakikipag-usap o pakikipanayam sa mga residente ng lungsod na nagpositibo sa CoVid-19.

Kasama rin sa mga sumailalim sa naturang pagsasanay ang encoders at mga boluntaryo mula sa iba’t ibang departamento; mga dentista at nars na nakatalaga sa health centers; at Barangay Health Emergency Response Team.

Ang pangunahing gawain ng contact tracers ay hanapin ang close encounters ng CoVid-19 patient at tuntunin ang kanilang aktibidad mula nang makaramdam ng sintomas o sumailalim sa swab testing.

 (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …