Saturday , November 16 2024

Mask na may face shields pa overkill ‘yan —Sen. Imee

SINABI ni Senadora Imee Marcos na hindi pa huli ang lahat para baguhin ang kautusan na mandatory o obligado nang magsuot ng face shields ang lahat ng commuters at mga empleyado bukod sa face masks simula sa Sabado.

 

“Puwedeng localized o voluntary, pero pag mandatory ay overkill na ‘yan. May iba pa bang bansa na nagrerekomenda na sabay gamitin ang face shield at face mask maliban sa loob ng mga ospital?” dagdag ni Marcos.

 

Ayon kay Marcos, dapat isapubliko ng gobyerno kung sino ang mga importer at lokal na supplier ng face shields at tukuyin ang posibleng koneksiyon sa mga opisyal mula sa mga departamento ng kalusugan, transportasyon, labor, at trade and industry na maaaring kumita sa pagbebenta ng produkto.

 

“Biglang nagkaroon ngayon ng SRPs (suggested retail prices) para sa face shields, pero walang pormal na guidelines sa publiko para sa tamang kalidad at uri ng produkto para maprotektahan ang mga konsumer. Ilang beses ba ‘yan puwedeng gamitin? Minsanan o puwedeng ulitin, paano lilinisin, ligtas ba ‘yan gamitin at hindi ba madaling masunog ang materyales, ano ang mga pag-iingat na dapat gawin ng mga gagamit?” tanong ni Marcos.

 

Aniya, mismong United States Centers for Disease Control and Prevention ang nagbabala na ang pagsusuot ng face mask mismo ay maaaring magpalala sa pisikal o mental na kondisyong pangkalusugan, maaaring magbunsod ng medical emergency, o magkaroon ng panibagong problemang pangkalusugan.

 

“Bukod sa hindi komportable, hindi ba masu-suffocate ang mga may high-blood pressure, sakit sa puso o asthma ‘pag may face shields at mask? Gaano kahabang oras titiisin ng mga manggagawa sa opisina at pabrika ang pagsusuot nito na pahirap pa sa paghinga?” tanong ni Marcos.

 

“Kung talagang airborne ang virus, wala rin silbi ang paggamit ng face shields na bukas ang mga gilid, lalo sa mga lugar na sarado at nare-recyle ang umiikot na hangin,” dagdag ni Marcos. (CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *