SIMULA sa Lunes, 8 Hunyo 2020, ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pangunahing lansangan ang modified unified vehicular volume reduction program o modified number coding scheme, matapos itong aprobahan ng Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng MMDA.
Base sa MMDA Regulation 2020-001 series of 2020, awtomatikong exempted mula sa number coding scheme ang mga pribadong behikulo na may sakay na dalawa at higit pa kabilang ang driver. Mahigpit na ipinaiiral at mahigpit na ipinatutupad na ang lahat ng pasahero ay dapat magsuot ng face mask.
Kasama rin sa exemption ang mga sasakyang minamaneho ng doktor, nurses at iba pang medical personnel.
Lahat aniya ng Authorized Persons Outside Residence (APOR) ay kabilang din sa exemption.
Nabatid, ang mga operator ng transport network vehicle service (TNVS) ay inoobligang maglagay mg signage para madali itong makita.
Ang nasabig patakaran ay inayunan ng Metro mayors sa naganap nilang pagpupulong noong 26 Mayo ng taong kasalukuyan. (JAJA GARCIA)