Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Chinese doctor, 1 pa kalaboso sa illegal na klinika

KALABOSO ang dalawang Chinese nationals kabilang ang isang doctor dahil sa panggagamot sa mga pasyenteng may COVID-19 nang salakayin ng mga awtoridad ang kanilang clinic sa Makati City, kamakalawa.

 

Isinailalim sa inquest proceedings ang mga suspek na sina Dr. David Lai, 49 anyos, at Bruce Liao, alyas Songhua Liao, 41 anyos, may address sa Unit-4D One Central Tower ng nabanggit na lungsod.

 

Ayon sa report ng Makati City Police, 3:30 pm nang mahuli ang mga suspek sa Goldstar Medical Clinic and Pharmacy Corp., sa Unit 501-506 5/F New Lasema Spa Building, 8846 Sampaloc Street.

 

Nakatanggap ng reklamo ang tanggapan ng Makati City Police kaugnay sa ginagawang panggagamot ng suspek sa mga pasyenteng tinamaan ng naturang virus.

 

Agad nagkasa ng follow-up operation ang mga awtoridad at Makati City Health Department Incident Management Team Task Force COVID-19, na nagresulta sa pagkakaaresto sa nabanggit na mga dayuhan.

 

Nakompiska mula sa mga suspek ang Rapid Test kits para sa COVID-19, medical paraphernalia tulad ng swab sticks, vials, at syringes, mga kahon na naglalaman ng iba’t ibang uri ng Chinese medicines na pinaniniwalaang hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA). (JAJA GARCIA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …