Saturday , November 23 2024
Navotas

P22.7-M bonus, ipinamahagi sa Navotas

IPINAGKALOOB ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang P22.7 milyon para sa mid-year bonus at cash gift ng kanilang mga kawani.

Nasa 534 regular na kawani ang nakatanggap ng bonus na katumbas ng isang buwang suweldo, samantala 1,175 contract of service at job order ang nakakuha ng P6,000 cash.

Ang P6,000 ay doble ng kanilang regular na quarterly benefit.

“Sa gitna ng pandemyang coronavirus disease (COVID-19), hangad nating matulungan ang ating mga empleyado at ang kanilang mga pamilya para magkaroon sila ng pinansiyal na seguridad at matugunan ang mga ‘di kanais-nais na epekto ng ipinatutupad na community quarantine,” sabi ni Mayor Toby Tiangco.

“Lubos na naapektohan ng COVID-19 ang kabuhayan ng maraming pamilya na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng quarantine. Bagaman nakatatanggap pa rin ng buwanang suweldo ang mga kawani ng city hall, maaaring hindi ganoon ang nangyayari sa ibang miyembro ng kanilang pamilya. Umaasa tayong makatutulong ang bonus na kanilang natanggap sa pagharap nila sa krisis na ito,” dagdag ng alkalde.

Namahagi rin ang pamahalaang lungsod noong Marso ng P6.4 milyong karagdagang benepisyo para sa mga empleyadong wala sa plantilla.

Namigay rin ng P500 arawang hazard pay para sa mga pisikal na pumapasok sa trabaho habang may pandemya tulad ng mga basurero, street sweepers, barangay nutrition scholars, at barangay health workers.

Dagdag pa, nagkaloob ng isahang special risk allowance (SRA) para sa mga public health workers ng lungsod na direktang kumakalinga sa mga pasyente ng COVID-19. Ang SRA ay katumbas ng 25 porsiyento ng kanilang buwanang suweldo.  (JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *