Thursday , December 19 2024
philippines Corona Virus Covid-19

Senadora nagbabala: Second wave ng COVID-19 mula sa hospital & lab waste

NAGBABALA ngayon si Senador Imee Marcos na posibleng magkaroon ng second wave ng COVID-19 kung hindi magiging maayos ang disposal ng mga basura na magmumula sa mga ospital at laboratoryo na ginamit sa pagtukoy at paggamot sa mga nahawaan nito.

 

“Kahit bumababa na ang mga kaso ng impeksiyon, hindi imposibleng manalasang muli ang COVID-19 kung hindi pagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang tamang pagtatapon ng mga basura mula sa mga ospital at laboratoryo,” pahayag ni Marcos.

 

Inaasahan ang pagdami ng mga medical waste sa sandaling maipatupad ang mas malawak na COVID-19 testing at ang pagluwag sa mga community quarantine.

 

Dahil dito, hinikayat ni Marcos ang gobyerno na magpatupad ng alituntunin para sa maayos na pagtatapon ng mga medical waste gaya ng test kit, heringgilya, personal protective equipment (PPE) gaya ng face mask, gloves, lab at hospital gown at balot sa sapatos.

 

“Dapat sakop din ng mga alituntunin ang paghihiwalay ng mga kontaminadong basura sa mga tahanan dahil gumagamit din ng face mask at gloves ang publiko.  Dapat sakop ng alituntuning ito ang general public hanggang sa mga munisipyo at city hall,” giit ni Marcos.

 

Inaasahan na magbabago ang mga ordinansa na may kinalaman sa pagtatapon ng basura kabilang ang paggamit ng platic, kung ang pagbabasehan ay mga hakbang na ipinatutupad sa ibang bansa gaya ng double-bagging o pagdodoble sa pagbalot ng mga contaminated waste.

 

Nanawagan din si Marcos sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mahigpit na ipatupad ang batas laban sa pagsusunog ng basura, na ayon sa World Health Organization ay ginagawa pa rin ng mga developing country na walang kontrol sa polusyon.

 

Dahil gawa sa plastik at may dagdag sangkap para hindi agad mabasa, ang mga PPE na sinusunog ay nagdudulot ng nakalalasong kemikal na tinatawag na dioxin.

 

Inalerto ni Marcos ang gobyerno sa pagpasok ng mga contaminated waste mula sa COVID-19 galing sa ibang bansa at muling ibinida ang kanyang panukala sa Senate Bill 408 na ipagbawal ang pagpasok ng lahat ng uri ng mga imported na basura.

 

Sabi ni Marcos, dapat imbestigahan ang tatlong kompanya na pinaaandar ng mga dayuhan sa Subic at Cagayan de Oro na nagpapasok ng iba’t ibang klase ng basura na idineklarang para sa recycling.

(NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *