MALAKI ang paniniwala ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Juan na nalagpasan na nila ang Peak transmission ng COVID-19.
Tiniyak ito ni San Juan city mayor Francis Zamora at magandang balita umano para sa mga mamamayan ng lungsod.
Base sa datos ng San Juan Health Department at Department of Health (DOH), bumaba ang naitalang kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Dagdag ng alkalde at panawagan sa mga mamamayan, patuloy na sumunod sa utos ng gobyerno, makiisa sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ), huwag magpakalat-kalat sa kalye, at hindi dapat maging kampante.
Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawa testing
ng lokal na pamahalaan sa mga may sintomas, sa mga may direct exposure, at frontliners na maaaring magpataas muli ng bilang ng confirmed cases.
Mayroong 277 kompirmadong kaso ng COVID-19 sa San Juan, 48 ang gumaling na, at 35 ang pumanaw.
(EDWIN MORENO)