MUKHANG may problema ang mag-inang Sharon Cuneta (na nasa Pilipinas) at Frankie Pangilinan (na nasa New York, na roon nagka-college).
Parang sadyang iniinis ni Frankie ang nanay n’ya sa mga ipinu-post sa Instagram n’yang @kakiep83 at sa Twitter n’yang @frankiepangilinan.
Noong una ay nag-post siya sa Instagram n’ya tungkol sa pagkainis n’ya sa mga Pinoy rom-com (romantic comedy) dahil pare-pareho naman daw ang mga kuwento nito.
Heto ang eksaktong posts n’ya na magkasunod noong April and 19: “why filipino romcoms always gotta be like:
– guy is ‘bad boy’ who basically annoys tf out of girl
– they spend half the movie trying to piss each other off then someone gets hurt (probs girl) and they soften
– someone ends up in the hospital at some point (SHOCK! disease)
– happy”
“it fully SENDS me someone ALWAYS ends up in the hospital or dead or having a secret ailment why is everyone so unhealthy”
May netizen na sumagot sa kanya na mga ganoong klaseng pelikula ang ginawa ng kanyang ina (“your mother did these kind of films”).
Simpleng sagot ng panganay na anak ng megastar at Senator Kiko Pangilinan: “yes, I’m roasting her as usual.” Gaya ng dati ay pinapaso lang daw n’ya ang kanyang ina.
Wala kaming nabalitaang reaksiyon ng megastar. O reaksiyon ng half-sister n’yang si KC Concepcion, ang nag-iisang anak ni Sharon sa una n’yang asawang si Gabby Concepcion. Sa panahon ng relasyong Sharon at Gabby pinakamatindi ang kasikatan nila. Parang ‘di rin inisip ni Frankie na baka maka-offend din ang half-sister n’ya sa post n’ya, lalo pa’t pareho silang nagsasabing malapit sila sa isa’t isa.
Sa Twitter post naman ni Frankie, ibinalita n’yang pinayagan siya ng kanyang ina na i-share ang mga titik (lyrics) ng isang kantang isinulat n’ya na napaka-daring. Tungkol ito sa kasabikang makaniig nang pisikal ang isang lalaking alam ng isang babae na sinungaling. Ingles ang lyrics at may mga salitang nagsisimula sa “fu.”
Kinunan ni Frankie ng litrato ang lyrics ng kanta at inilagay sa isang tweet n’ya. Mukhang nasa sarili n’yang sulat-kamay ang lyrics. Inilabas naman ng GMA 7 News online ang lyrics. Ipinakita rin ng isang entertainment website ang lyrics ng awiting parang wala pang titulo.
Actually, ang tweets ni Frankie ay tungkol sa pagkagulat n’ya na pumayag ang nanay n’ya na i-share n’ya sa madla ang sexy lyrics ng kanta.
Heto ang tatlong sunod-sunod na tweets nya: “100% sacrificed all dignity and went to ask shawie for permission to release this se** song i wrote.”
“Now I’m going to sit here and think about what I’ve done as I come to terms with the fact she said yes.”
“I really just stood there and recited the lyrics to her face while she looked at me with dead eyes didn’t I.”
Napuna n’yo sigurong sa unang tweet ni Frankie ay “shawie” lang ang itinawag n’ya sa kanyang ina. Nagulat din ‘yung pinapatungkulan naming website sa pagtawag ng anak ng “shawie” lang sa kanyang ina.
Posibleng impluwensiya lang kay Frankie ng mga taga-New York na nakakahalubilo n’ya ang pagtawag sa kanyang ina sa palayaw lang. Maraming mga anak doon na ganoon makipag-usap sa kanilang mga magulang. Maraming magulang naman ang tinatanggap ang ganoon.
Kapuna-puna rin sa tatlong tweets na ‘di tinanawag na “mom” o “mother” ang kanyang ina.
Habang isinusulat namin ito ay wala kaming nakitang reaksiyon ni Sharon sa latests social media posts ng panganay nilang anak ni Senator Pangilinan. Posibleng na-shock siya kaya ‘di siya maka-react. Posibleng ‘di siya nagri-react dahil nauunawaan n’yang independent-minded si Frankie (at si KC man).
Nauunawaan din siguro ni Sharon na hindi konserbatibo ang mga anak n’ya at hindi na rin mga inosente.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas