Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Apela ni Binay: Cremation sagutin ng govt

UMAPELA si Senator Nancy Binay na akuin ng gobyerno ang gastusin sa pagpapa-cremate ng mga labi ng mga biktima ng COVID-19.

Ayon kay Binay, isa sa mga dahilan kung bakit marami ang mga labing hindi nailalabas sa mga ospital ay dahil walang pantubos o pambayad ang pamilya sa punerarya para sa cremation.

“Sa tingin ko, kayang sagutin ng gobyerno ang gastos sa cremation ng mga pamilyang mahihirap, or the government can extend assistance to families who have immensely suffered financially. Nakalulungkot na walang magawa ang mga pamilyang namatayan dahil maliban (sic) sa kailangan nilang bayaran pa ang cremation, nawalan pa sila ng trabaho, at ang mas mabigat ay nawalan sila ng mahal sa buhay,” ani ng senadora.

Dagdag ni Binay, para mas maging maayos ang pag-handle ng mga labi na nasa mga ospital, bahay o quarantine centers, maaaring pumasok ang Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa National Federation of Mortuary Stakeholders para sa sistematiko at mabilisang pagkuha ng mga labi na naaayon sa IATF guidelines.

Makalipas ang isang buwan ng lockdown, kasalukuyan pa lamang pinag-uusapan ng DILG, DOH, MMDA at mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang “management and disposal” ng mga labi na positibo sa COVID-19.

Binanggit ng senadora na sa ilalim ng DSWD Revised Guidelines on AICS para sa burial assistance, kasama ang pag-ako ng kagawaran sa bahagi ng mga nagastos sa punerya at ibang gastusin, at halagang P10,000 ayuda sa naiwang pamilya na ‘di kailangan magsumite ng case study report.

“Meron ibinibigay na P10,000 ang DSWD para sa standard burial assistance. Sa sitwasyon ng mga naulilang pamilya dahil sa COVID, maaaring lakihan ng DSWD. ‘Yung pagsagot ng bayarin ay napakalaking bagay na para matulungan natin silang makapag-move on sa gitna ng pandemya,” ani Binay.

Nawagan din ang senadora sa mga LGU na mahigpit na i-monitor at tutukan ang mga crematorium at funeral parlors kung estriktong tumatalima sa mga patakarang inilatag ng IATF at DOH, at alamin kung magkano ang dapat na serbisyo para sa cremation.

Nakikiusap si Binay sa mga crematorium at puneraya na huwag gawing dahilan ang nangyayaring pandemya para makapagsamantala sa mga pamilyang naulila dahil sa COVID-19.

Ayon kay Binay, “Sa nangyayari sa buong mundo ngayon, it’s never a good time to die. Malungkot at wala kang karamay. Di ka makapagpaalam man lang sa iyong mga mahal sa buhay. Wala kang last rites, or proper burial. Kaya nakagagalit ‘yung meron kang mababalitaang mga punerarya at crematoriums na nananamantala para pagkakitaan ang pamilyang namatayan.” (CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …