Saturday , June 1 2024
gun shot

Helper patay sa pamamaril

PATAY ang isang 59-anyos bakery helper matapos pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Eddie Gonzales, residente sa Phase 1 Gozon Compound, Brgy. Tonsuya sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Batay sa ulat nina police homicide inves­tigator P/SSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Philip Cesar Apostol, nakatayo ang biktima sa labas ng isang computer shop malapit sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang hindi kilalang suspek saka pinagbabaril sa  katawan at ulo.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon ang gunman habang isinugod ang biktima ng kanyang mga kaanak sa pagamutan.

Ipinag-utos  ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao sa kanyang mga tauhan ang follow-up investigation sa posibleng pagka­kakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam ang tunay na motibo sa insidente.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Bagong CAA-C Health Center binuksan na ng Las Piñas LGU

Bagong CAA-C Health Center binuksan na ng Las Piñas LGU

BINUKSAN na ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas sa pangunguna ni Vice Mayor April Aguilar …

Anne Curtis

Anne nag-react sa resulta ng botohan sa Divorce Bill

HINDI nakapagpigil si Anne Curtis na maghayag ng saloobin sa inilabas na resulta ng botohan sa usaping …

Eddie Garcia

Eddie Garcia law nilagdaan na ni PBBM: Mas pabor nga ba sa mga network at producer kaysa mga manggagawa?

HATAWANni Ed de Leon INAPRUBAHAN na ni PBBM ang Eddie Garcia law na naglalayong mabigyan ng proteksiyon ang mga …

Farmer bukid Agri

Magsasakang Pinoy may “Bagong Pagasa” sa pagsasabatas ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act

NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang grupo ng mga magsasakang Filipino nang ratipikahan ng Senado at Kongreso …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
7 TULAK, 4 PUGANTE, 3 SUGAROL TIKLO

SA MULING pagsasagawa ng operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nasakote ang pitong hinihinalang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *