Wednesday , June 19 2024
Sa fishing ban ng China sa WPS MANGINGISDA SA BAJO DE MASINLOC MAY AYUDA KAY SEN. TOLENTINO

Sa fishing ban ng China sa WPS
MANGINGISDA SA BAJO DE MASINLOC MAY AYUDA KAY SEN. TOLENTINO

NAKATAKDANG maghatid ng tulong si Senate Majority Floor Leader Francis Tolentino sa mga mangingisdang Filipino sa Bajo de Masinloc matapos magpatupad ng fishing ban ang China kahit sa nasasakupang Exclusive Economic Zone ( EEZ) ng Filipinas.

Ayon kay Tolentino magtutungo siya sa Zambales para mabigyan ng pangmatagalang livelihood program ang mga mangingisdang Pinoy sa nasabing lugar.

Aniya hinaharang na ng China ang mga mangingisdang Filipino, matapos ang pagpapatupad ng fishing ban, na nanganganib mawalan ng kabuhayan.

Ginawa ni Tolentino ang pahayag sa media kasabay ng kanyang pamamahagi ng tulong o pagbibigay ng TUPAD program sa Santa Rosa Elementary School Central 2, Gabaldon Function Hall, Brgy. Kanluran, Santa Rosa, Laguna sa 169 beneficiaries na makatatanggap ng tig P5,200 bawat isa. 

Namahagi rin si Tolentino ng AICS Payout sa PUP Santa Rosa Campus sa Brgy. Tagapo City, ng tig-P2,000 sa 600 beneficiaries.

Samantala, nagpasalamat si Tolentino sa Department of Trade and Industry (DTI) sa pagsunod sa kanyang kahilingan na price freeze sa mga pangunahing bilihin simula nitong 16 Mayo hanggang 30 Hunyo 2024.

Ang mga naturang basic commodities ay ang mga sumusunod Alaska condensed milk, Liberty condensada, Lucky Me instant mami, Nido fortigrow,  

Bear brand powdered milk, Carnation evap, at Carnation condensada. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

blind item

Male starlet nagbanta kung walang project goodbye produ na

ni Ed de Leon INAMIN ng isang male starlet na ginawa niya ang lahat ng ipinagawa sa …

Navotas tumanggap ng 145 bagong athletic scholars

Navotas tumanggap ng 145 bagong athletic scholars

NAG-ALOK ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng scholarship sa 145 Navoteño elementary at high school …

TiboQC Federation Pride March QC Joy Belmonte

300 miyembro ng TiboQC lalahok sa Pride Month

MAHIGIT 300 miyembro ng TiboQC Federation ang inaasahang lalahok sa Pride March sa lungsod sa …

Lunod, Drown

Naligo sa ulan 
8-ANYOS TOTOY PATAY SA CREEK

WALA NANG BUHAY nang matagpuan ng mga rescuer ang katawan ng isang batang lalaki na …

dead gun police

Mangingisda patay sa pamamaril

PATAY ang isang mangingisda matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa bahagi ng karagatan …