Sunday , June 23 2024
shabu drug arrest

Tulak na lola timbog sa P69K ilegal na droga

NASAKOTE ang isang lolang 64-anyos, itinuturing na isang high value individual (HVI) kabilang ang isa pang alalay nita makaraang kumagat sa buybust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon City police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Tam, 62 anyos, HVI, at alyas Vinz, 45 anyos, kapwa residente sa lungsod.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buybust operation laban kay Tam matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa kinasasangkutan nitong illegal drug activities.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksiyon sa suspek pata makabili ng shabu at nang tanggapin nito ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng droga ay agad siyang inaresto ng mga operatiba, kasama ang kanyang kasabwat na si alyas Vinz dakong 8:45 pm sa Ortega St., Brgy., Tonsuya ng nasabing lungsod.

Nakompiska sa mga suspek ang nasa 10.20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) value na P69,360 at buybust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

knife saksak

Sinaksak ni Tibo
WAREHOUSE STAFF, SUGATAN

GRABENG nasugatan ang isang warehouse staff matapos saksakin ng kapitbahay na babae na kanyang nakatalo …

dead gun police

Robbery suspect patay 2 pulis grabeng sugatan

PATAY ang isang robbery suspect habang dalawang pulis ang sugatan sa isang enkuwentro sa lungsod …

airplane

Sex convict nagtangkang pumasok sa PH huli ng BI

MULING NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport …

Samuel Pabonita Pasay Police

POGO sa Pasay, krimen walisin — Pasay cop

INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad …

3,000 Caviteños Cayetano DSWD

3,000 Caviteños nagpasalamat sa suporta mula sa mag-utol na Cayetano at DSWD

PINAIGTING ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang kanilang pagbisita sa …