Sunday , June 23 2024
Carlo J Caparas, Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Eva Darren, Gina Alajar SPEEd The EDDYS

Carlo J. Caparas, 5 pang movie icon pararangalan sa 7th The EDDYS

LIMANG movie icon at isang premyadong director-producer ang pararangalan sa gaganaping 7th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Tuloy na tuloy na ang ika-7 edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice), sa July 7, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Pasay City. 

Ang awards night ng The EDDYS ngayong taon ay magkakaroon din ng delayed telecast sa ALLTV. Ang eksaktong petsa ng pagpapalabas nito ay ihahayag sa mga susunod na araw.

Bukod sa mga acting at technical awards, isa sa mga magiging highlight ng 7th The EDDYS ay ang pagbibigay-parangal sa mga tinitingala at inirerespetong mga haligi ng industriya ng pelikulang Filipino.

Una na nga riyan ang posthumous award para sa yumaong comic strip creator, movie producer at direktor na si Carlo J. Caparas para sa natatangi niyang kontribusyon sa Philippine movie industry.

Ang Movie Icon Awards naman ngayong 2024 ay ibibigay kina Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Eva Darren, at Gina Alajar bilang pagkilala sa hindi matatawarang pagmamahal, dedikasyon, at patuloy nilang paglaban para mas maiangat pa ang kalidad ng bawat pelikulang Filipino.

Mapa-komedya o drama, hindi magpapatalo riyan ang premyadong aktres na si Villa na nakagawa na ng mahigit 150 pelikula sa loob ng mahigit anim na dekada. Bukod sa acting awards, recipient din siya ng “Pro Ecclesia et Pontifice medal” mula kay Pope Francis.

Ilan sa mga hindi malilimutang proyektong nagawa niya sa telebisyon at pelikula ay ang Chicks to Chicks (1979-1991), Home Along Da Riles (1992-2003), Pepito Manaloto (2012-present), Payaso(1986), 1st Ko si 3rd (2014), at Miss Granny (2018). 

Isa namang actor, comedian, at director si Martinez na napanood sa mga pelikulang On the Job 2: The Missing 8  (2021), Juan Tamad, at Mr. Shooli: Mongolian Barbecue (1991), at Up from the Depths(1979). Naging Director General din siya ng Film Academy of the Philippines (FAP).

Nakilala ang actor-public servant na si Lapid bilang isa sa mga pambatong action stars ng Philippine Cinema. Ilan sa mga iconic movies na pinagbidahan niya ay ang Leon Guerrero (1968-1981) at Da Best in da West (1984-1996), Kastilyong Buhangin”(1980), Hari ng Gatilyo (1985), Lapu-Lapu(2002), at ang huli nga ay ang obra ni Brillante Mendoza na Apag (2022).

Nagsimula naman ang showbiz career ni  Darren noong 1960 at nanalo ng dalawang Best Supporting Actress award para sa pelikulang Ang Pulubi (1969). Nominado rin siya sa kaparehong kategorya para sa Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin (1997). Ilan naman sa mga nagawa niyang teleserye ay ang  Pangako Sa ‘Yo  (2000), Sineserye Presents: Patayin Sa Sindak si Barbara (2008), Mula Sa Puso(1997), at Kadenang Ginto (2018).

Bata pa lang ay nakitaan na ng galing sa pag-arte si Alajar na nagsimula bilang child star noong 1967 at mula noon ay kinilala na bilang isa sa pinakamagagaling na aktres sa local showbiz at nakapag-uwi na rin ng napakaraming acting awards.

Ilan sa mga premyadong pelikulang nagawa niya ay ang Manila By Night at Brutal na parehong ipinalabas noong 1980. 

Taong 2000 naman nang magsimula siyang magdirehe– nakagawa siya ng apat na episode ng Shake, Rattle, & Roll at 12 dosenang TV show.

Ang taunang The EDDYS, na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas, ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper, at online portals sa Pilipinas.

About hataw tabloid

Check Also

Rhen Escano

Karma ni Rhen pang Hollywood-level

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Rhen Escano na sobra siyang nahirapan sa paggawa ng action film, ang …

CC6 Music Fest 2024

CC6 Music Fest 2024 aarangkada kasama ang Rocksteddy at Mayonnaise

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAKIPAG-RAKRAKAN, kantahan, at sayawan sa June29, 2024 kasama ang ilang …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Marian Rivera Balota

Marian intense ang aktingan sa Cinemalaya entry  

RATED Rni Rommel Gonzales SIGURADONG kakaibang Marian Rivera ang mapapanood sa Cinemalaya entry na  Balota. Makikita sa isang BTS photo …