Wednesday , June 19 2024
Jeannie Sandoval Malabon DBP

Para palakasin ang pabahay, kalusugan, infra projects at socio-economic dev’t
MAYOR JEANNIE SANDOVAL NAKIPAG-UGNAYAN SA DBP

UPANG mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga Malabueño, nakipagtulungan ang pamahalaang lungsod ng Malabon sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval sa Development Bank of the Philippines (DBP) para ilunsad ang programa ng banko na tumutulong sa pagpopondo sa mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan para sa epektibong pagpapatupad ng mga proyekto.

Ang paglagda sa memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng lokal na pamahalaan at DBP, na tinaguriang “Building Stronger Communities: DBP’s Economic and Social Development Funding Program for Local Government Units” sa Malabon City, ay pinangunahan ni Mayor Sandoval at DBP President and Chief Executive Officer Michael O. de Jesus sa Malabon Sports Complex sa pagdiriwang ng 425th Foundation Day ng lungsod, Martes, 21 Mayo 2024.

Ginanap ito bilang hudyat ng pagpapatupad ng Accelerating Sustainable Economic and Social Empowerment through National and Local Initiatives to Overcome Challenges (ASENSO) Financing Program.

Ayon sa DBP, ang Financing Program ay naglalayong magbigay ng financing assistance sa lahat ng antas ng local government units (LGUs) sa pagsasakatuparan ng mga proyekto upang mapabilis ang impraestruktura at sosyo-ekonomikong pag-unlad na naaayon sa mga layunin sa ilalim ng Philippine Development Plan; at, upang mag-ambag sa pagkakamit ng Sustainable Development Goals.

“Isang mapagpalang araw para sa Lungsod ng Malabon dahil ngayong araw ay ating pinirmahan ang MOA para sa partnership kasama ang DBP para sa programang layong makatulong at masiguro na ating maisasagawa ang ating mga programa para sa pag-ahon ng Malabon at ng mga residente nito. Lagi ko hong sinasabi sa inyo na bukas ang aking opisina para sa kahit na sinomang Malabueño na nangangailangan ng tulong, magtungo lang po sa amin tanggapan. Patuloy po tayo sa pagpapatupad ng mga programa para sa inyo at asahan ninyong kami ay handang umagapay at siguruhing mabuti at maganda ang pamumuhay dito sa ating lungsod,” ani Mayor Jeannie.

Sinabi ni City Administrator Dr. Alexander Rosete, ang partnership ay magbibigay-daan sa lokal na pamahalaan na makakuha ng P3 bilyong pautang mula sa DBP, na gagamitin para sa mga proyektong pang-impraestruktura upang matugunan ang iba’t ibang isyu kabilang ang informal settlement, ilegal na pagparada ng mga sasakyan, at kakulangan ng mga pasilidad sa ospital.

Si Mayor Jeannie na kamakailan ay pinangalanan ng RP Mission and Development Foundation, Inc. bilang Top Performing NCR Mayor (batay sa kanilang survey noong 18-24 Marso 2024), ay nagpasalamat sa DBP sa pagtitiwala sa kanyang epektibong pamumuno at nangako ng pautang na ipinagkaloob sa pamahalaang lungsod ay gagamitin para sa mga proyektong makatutulong sa pagtugon sa iba’t ibang alalahanin ng mga Malabueño.

Bilang bahagi ng misyon ng pamahalaang lungsod (Walang Maiiwan, Malabon Ahon!) layunin ni Mayor Jeannie na bawasan ang bilang ng mga informal settler na pamilya sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga proyektong pabahay kabilang ang mid-rise housing projects sa Sisa Exit (88 housing units) at Paladium Street (220 units) sa Barangay Tinajeros para bigyan ang mga residenteng nakatira malapit sa mga danger zone sa lungsod ng kanilang mga tahanan na mas ligtas, at mas maayos.

Kabilang sa mga iminungkahing proyekto ng lokal na pamahalaan upang malutas ang iba’t ibang mga alalahanin at isyu ay ang pagtatayo ng isang limang palapag na multi-purpose na gusali na may deck sa Barangay Tañong na susuporta sa mga negosyo, pagbibigay ng trabaho para sa mga residente, at maglalapit sa mga serbisyo ng lokal na pamahalaan na mas naa-access sa kanila, ang extension building ng Ospital ng Malabon upang payagan ang health facility na mag-alok ng mas maraming libreng serbisyong pangkalusugan para sa mga residente; isang apat na palapag na parking building malapit sa City Hall para sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga residente, at mga kliyente nito, at mga empleyado, at hikayatin silang makipagtransaksiyon sa lokal na pamahalaan.

Plano ng lokal na pamahalaan na simulan ang pagtatayo ng Malabon Sports and Convention Center sa Barangay Tañong na magbibigay ng espasyo para sa mga residente na magsagawa ng mga convention, meeting, seminar, sports events at makapag-bonding at makilahok at iba pang aktibidad ng mga komunidad.

Ibinahagi ng DBP na ang ASENSO Program ay naglalayong pondohan ang pagtatayo at pagpapanatili ng mga kalsada, tulay, at iba pang kritikal na impraestruktura na magpapadali sa kalakalan at transportasyon; mapabuti ang mga serbisyong panlipunan sa pamamagitan ng paglalaan ng mga pondo para sa kalusugan, edukasyon, at mga proyekto sa pabahay upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan; at palakasin ang ekonomiya ng lungsod sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga lokal na negosyo.

“Sa pamamagitan ng pagtutulungang ito, na naisagawa dahil sa epektibong pamumuno ng ating ‘Ina ng Malabon,’ Mayor Jeannie Sandoval, ating mapapabuti ang pagsasagawa ng mga programang pang-impraestruktura na bahagi ng ating mga gawain upang makamit ang ating layuning matulungan ang bawat Malabueño tungo sa pag-ahon. Magagamit natin ang pondo mula sa DBP para mas mapaganda pa ang mga proyekto sa pabahay, impraestruktura, at pati na rin sa kalusugan para sa mga Malabueño,” pahayag ni Dr. Rosete.

Aktibong sinusuportahan ng DBP ang pagpapaunlad ng impraestruktura at inklusibong paglago, lalo sa mga prayoridad na sektor tulad ng transportasyon, kalikasan, serbisyong panlipunan, at maliliit at katamtamang negosyo. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

SM Supermalls 100th Job Fair 1

SM Supermalls Celebrates Milestone with 100th Job Fair

June 14, 2024 – Manila, Philippines –SM Supermalls proudly hosted its 100th job fair, reinforcing …

‘Mangangalakal’ bugbog-sarado sa 15 sekyu ng Las Piñas subdivision

‘Mangangalakal’ bugbog-sarado sa 15 sekyu ng Las Piñas subdivision

BUMUHOS ang suporta para sa isang 26-anyos ‘mangangalakal’ na biktima ng pambubugbog at pagmamaltrato ng …

Mark Leviste Vilma Santos

VG Mark handang magparaya kay Ate Vi sakaling tatakbo muling gobernador

I-FLEXni Jun Nardo NAKARATING kay Batangas Vice Governor Mark Leviste ang pahayag ni Finance Secretary Ralph Recto na kinu-consider …

Queen Vi Rodriguez ACT AGRI-KAAGAPAY

ACT AGRI-KAAGAPAY, nakiisa sa parada ng kalayaan 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKIISA ang Act Agri-Kaagapay Organization, isang non-government organization na nagsusulong …

Lito Lapid

Lapid: Raid sa POGO hub sa Pampanga, isama sa Senate investigation

NANAWAGAN si Senador Lito Lapid sa Senado na isama sa imbestigasyon ang pagsalakay ng mga …