Thursday , July 10 2025
cal 38 revolver gun

2 kelot hoyo sa boga nang masita sa yosi

KAPWA bagsak sa kulungan ang dalawang lalaki matapos mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng police visibility patrol ang mga tauhan ng Sub-Station 13 sa Phase 8B, Bagong Silang, Brgy. 176, naispatan nila ang isang lalaki na naninigarilyo sa pampublikong lugar dakong 10:00 pm.

Nang hingan ng kanyang identification card para maisyuhan ng Ordinance Violation Receipt ay tumakbo ang suspek kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang matalisod kaya nagawa siyang makorner at dito, napansin nila ang puluhan ng baril na nakausli sa kanyang kanang baywang.

Nang walang maipakita ang suspek na dokumento hinggil sa legalidad ng nakuha sa kanya na isang kalibre .38 revolver, kargado ng dalawang bala ay binitbit siya ng mga pulis.

Nauna rito, dakong 12:30 am nang madakip din ng mga tauhan ng SS13 ang isa pang lalaki makaraang mabuking ang dalang kalibre .38 revolver na kargado ng tatlong bala at wala rin dokumento hinggil sa legalidad nito matapos masita dahil sa paglabag sa City Ordinance (Smoking in Public Places) sa Phase 8A, Brgy. 176, Bagong Silang.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art. 151 of RPC at RA 10591. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Blind Item, man woman silhouette

Showbiz couple magkahiwalay ng kwarto 

I-FLEXni Jun Nardo HIWALAY na raw ang isang kilalang showbiz couple na may anak. Magkaiba sila ng …

Online Betting Gaming Gambling

Babala ng mga eksperto:
Pagbabawal ng online gaming kaduda-duda, black market lalakas pa

NAGBABALA ang isang kilalang ekspertong legal na maaaring lalong lumala ang epekto ng iresponsableng pagsusugal …

Senate Senado

SP Chiz may 16 pirma — JV

TIYAK na tiyak nang muling mauupo si Senate President Francis “Chiz” Escudero bilang pinuno ng …

QCPD Quezon City

P2-M shabu nasamsam ng QCPD Batasan PS 6

UMABOT sa P2 milyon halaga ng shabu ang nakompiska ng Quezon City Police District (QCPD) …

Nicolas Torre III

Drug war ni Torre, 3 tulak arestado sa P4-M droga

SA PATULOY na pagpapatupad ng gera ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Nicolas Torre …