Bilang tugon sa emergency
10 YUNIT NG BAGONG AMBULANSIYA IPINAGKALOOB SA MGA BARANGAY
IPINAMAHAGI ng Muntinlupa City local government unit (LGU) sa siyam na barangay ang mga bagong ambulansiya para magamit sa pagtugon sa panahon ng emergency.
Pinangunahan ni Mayor Ruffy Biason ang turnover ceremony na ginanap sa Muntinlupa sports complex.
Bukod sa siyam na Baranggay na pinagkalooban ng bagong ambulansiya, isa rito ay napunta sa Department of Disaster Reduction and Management Office (DDRMO).
Habang 34 Honda click motorcycle, ang sabay na nai-turnover ng Muntinlupa LGU sa ibaβt ibang department ng Muntinlupa City Hall partikular sa BPLO, Colegio de Muntinlupa, Community Affairs at Development Office.
Ayon kay Mayor Ruffy, layunin nitong makatugon ang lungsod pagdating sa emergency response sa panahong ng kalamidad at sakuna. (NIΓO ACLAN)
