Thursday , December 26 2024
Kathniel Daniel Padilla Kathryn BernardoTommy Esguerra Joross Gamboa
Kathniel Daniel Padilla Kathryn BernardoTommy Esguerra Joross Gamboa

Kathryn, kulang ‘pag wala si DJ; Joross, ang galing-galing; Tommy, revelation

NAPANOOD namin ang pelikulang Three Words to Forever sa Gateway Cinema 5, Dolby Atmos kahapon ng last full show.

Malungkot ang ambiance ng mga sinehan sa Quezon City sa pagbubukas para sa mga bagong pelikula nitong Miyekoles, pero base naman sa takilyerang naka-tsikahan namin ay, “mahina po ngayong LFS (last full show) ang ‘Three Words,’ pero malakas naman po ang 5:10 p.m. at 7:30 p.m.  screening.”

At least malakas kaysa ibang kasabayan na bilang lang ang mga taong nanonood.

Natutuwa kami dahil palabas pa rin ang Through Night and Day nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi na iisa nga lang ang screening time, 4:45 p.m. kaya sana marami pang humabol para mapanood ito mula sa Viva Films at idinirehe ni Veronica Velasco dahil ang ganda talaga.

Going back to Three Words to Forever ay tama nga, family drama ito para sa tatlong henerasyon na sina Freddie Webb/Liza Lorena, Richard Gomez/ Sharon Cuneta,  at Tommy Esguerra/Kathryn Bernardo mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina for ABS-CBN Films/Star Cinema.

Ma-drama ang kuwento, mabuti na lang at nandoon si Joross Gamboa para sa lighter side dahil kung wala siya, eh, puro iyakan ang maririnig namin sa loob ng sinehan.  Ang galing-galing mo talaga Joross!

Revelation naman si Tommy bilang baguhang aktor kaya sana magkaroon pa siya ng maraming projects para mas lalong mahasa ang acting ability niya at higit sa lahat, mag-aral siyang magsalita ng Tagalog.

Keri lang ang acting ni Kathryn, pero nanibago kami na hindi si Daniel Padilla ang kapartner niya, sa totoo lang.

Narinig nga naming komento habang papalabas kami ng Cinema 5, “iba talaga kapag si DJ ang kasama ni Kath, kulang siya.”

Wala naman kaming masasabi kina Goma at Shawie dahil pareho naman silang mahusay talaga sa pag-arte, medyo disturbed lang kami sa aktor kasi ang laki ng tummy niya sa screen, ha, ha, ha, hindi na niya nagawang itago.

Isa pang nakaiirita dahil hard sell ang exposure ng REbisco biscuit pero naintindihan namin dahil co-producer sila ng Star Cinema at ABS-CBN Films.  Sana sa susunod maglagay na rin ng logo na, ‘Rebisco Productions.’

Mahilig kami sa biskwit kaya nga panay ang bili namin everyweek dahil bukod sa baon ito ng anak namin sa school ay ito ang nginangata namin habang naghahabol kami ng deadlines pero parang nauyam kami sa rami ng Rebisco, ha, ha, ha, ha.

Ang fresh ng Ormoc City, totoo nga, ang ganda ng lugar na pinamumunuan ngayon ni Richard kaya tama lang na ipagmalaki niya ito.  Curious tuloy kami kung ang ginamit na bahay nila ay bahay bakasyunan talaga nilang pamilya.

Long-weekend ngayon kaya sana makabawi ang Three Words to Forever dahil bagay at realidad ang kuwento sa buhay ng mag-asawa.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Pinoy Broadcast Executives, tampok sa Singapore Leader’s Summit

Pinoy Broadcast Executives, tampok sa Singapore Leader’s Summit

About Reggee Bonoan

Check Also

Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *