Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Calvin Abueva
Vice Ganda Calvin Abueva

Vice Ganda, panatag sa friendship na ibinibigay ni Calvin

MASAYANG-MASAYA ako ngayon!” Ito ang iginit ni Vice Ganda nang makausap namin ito sa opening/ribbon cutting ng flagship store ng Vice Cosmetics sa Market Market noong Linggo ukol sa friendship nila ni Calvin Abueva.

Ani Vice, “Masaya akong kasama ko siya. Masaya kami at natutuwa ako na may mga taong sumasaya rin for me.”

Kuwento ni Vice, natutuwa siya sa suportang ibinibigay ng publiko sa friendship nila ni Calvin. “Yung support online may nababasa ako ang ganda ng sinasabi nila. It’s due time na ‘yung mga tao naman eh hindi na ganoon kababaw at hindi na ganoon kababoy ang tingin.

“Kasi ang mga tao parang diring-diri na ano ba ‘yung marumi? Ano bang mali? Tumatalino na rin unti-unti kahit paano ang mga tao.

“Magaganda na ang feedback, ibig sabihin niyon, gumaganda ang estado ng puso ng mga tao, mas nagiging welcoming, mas understanding, ine-embrace na nila ng ganoong konteksto at ganoong uri ng pakikipagkaibigan.”

A­m­inado si Vice na ngayon lamang siya nakaramdam na proud din sa kanya ang isang taong malapit sa kanya. “Ngayon lang naman ako nagkaroon ng kaibigang lalaki na proud sa akin na ganyan,” anito sabay saking inililigwak agad niya kapag hindi proud sa kanya.

At dahil proud si Calvin sa kanya, open siya sa friendship nila. “Kasi rati gusto ko rin namang ano…ako naman proud sa lahat ng kaibigan ko pero siyempre pinoprotektahan ko rin naman sila kung hindi sila komportable sa ganoon, eh ‘di ibibigay ko.

“Ayoko rin naman silang ma-pressure at ayokong, eh kung hindi ganoon ang pananaw nila eh you cannot impose eh, ‘di ba? Kung ayaw eh ‘di ‘wag.

“Si Calvin kasi wala siyang pakialam. Open siya. Eh alangan namang ako pa ang umarte. Ako pa ‘yung magtago baka batukan pa ako.

Eh proud siya sa akin na kaibigan niya ako, eh mas lalong proud akong kaibigan ko siya!”

Dagdag pa ng Unkabogable star, “Masaya kami eh basta masaya kami kung anong mayroon kami, masaya lang kami.”

Paano ba siya pinasasaya ni Calvin?

“’Yung friendship niya pinasasaya ako niyon at saka ‘yung relationship ko with him and his family na napakabait sa akin.

“Masaya ako roon at saka ‘yun lang panatag ang loob ko. Hindi katulad dati na kapag may kasama akong kaibigan natatakot ako kapag nakikita kami ng ibang tao sa labas.

“’Yung lagi kaming kubli ng kubli.

“Ngayon, parang may kapayapaan ang puso ko, wala akong iniisip.

“Kasi kung siya walang iniisip bakit ako mag-iisip?

“Kung siya hindi namroroblema hindi rin ako.

“Kampante rin kaya nakagaganda ng aura.”

Sambit pa ni Vice, walang karate-arte si Calvin. “Masyado siyang secured sa sarili niya, wala siyang pakialam.”

At dahil super close sila, natanong ang komedyante kung exclusively dating ba sila, “Ay hindi kami exclusively dating. Kaya ko naman kung may bestfriend din siya bakit naman natin ipagkakait sa iba. Hindi rin ako clingy. Mag-girlfriend siya kung gusto niya.”

Matagal nang magkaibigan sina Vice at Calvin at this year lang sila naging super close. “Malambing siyang kaibigan, mahawak, maharot, matsika.”

At dahil sa closeness, napag-alaman naming ang tawag sa kanya ni Calvin kung minsan ay, “Bakla, ang tawag niya minsan. Ako calvin lang tawag ko sa kanya. Tropa-tropa, sobrang bargas.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Joy Cancio sa pagkawala  ng mga naipundar — Siguro tinapik ako ni God para magising ako at mabuo ulit ang pamilya ko
Joy Cancio sa pagkawala ng mga naipundar — Siguro tinapik ako ni God para magising ako at mabuo ulit ang pamilya ko
FPJ’s Ang Probinsyano, ‘di pa rin kayang patumbahin
FPJ’s Ang Probinsyano, ‘di pa rin kayang patumbahin
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …