Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alessandra de Rossi Paolo Contis JM de Guzman Rhian Ramos
Alessandra de Rossi Paolo Contis JM de Guzman Rhian Ramos

Alessandra-Paolo at JM-Rhian, magsasalpukan sa Miyerkoles

DALAWANG pelikula ang sabay na maghahain ng kanilang istorya sa Miyerkoles, Nobyembre 14, 2018 sa mga sinehan.

Ang Through Night and Day nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis eh, magkukuwento ng pagba-bonding ng couple na nasa isang relasyon at naghahanda ng magsama sa hirap at ginhawa sa once in a lifetime vacation nila sa matulaing bansa ng Iceland.

A lot of couples can surely relate sa hugot ng mga katauhan ng dalawa. Na nag-practice na sa buhay na tatahakin nila bilang mag-asawa.

Ang tanong na sinagot ni direk Veronica Velasco eh, kung nadiskubre ba ng dalawa sa pagsasamang habambuhay ang direksiyon nila o mas maganda na ang magkanya-kanya na lang sila.

The other movie is a lovestory.

About a person na may face blindness. ‘Yung ‘di makaalala sa mukha ng kanyang nakilala at nakasama.

JM de Guzman shares the story with Rhian Ramos. Ang kumakapa sa pagkakakilanlan sa mukha ng babaeng minamahal na eh, may matutuklasan naman sa ikot ng buhay nito.

Sa Kung Paano Ka Nawala, pagsasama ng isang kakaiba ring relasyon ang tutumbukin ni direk Joel Ruiz.

Sumugal dito sina JM at Rhian, hindi lang sa efforts na ibinigay nila sa pagganap kundi sa pagtutulungan sa pag-produce ng pelikula!

The good actor JM is so back!

After Araw-Gabi, isang serye na naman ang niluluto ng Kapamilya for him.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Casey Banes Paculan, itinanghal na Queen of Quezon City 2018

Casey Banes Paculan, itinanghal na Queen of Quezon City 2018

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …