Sunday , November 28 2021
Casey Banes Paculan Queen of Quezon City Paolo Bediones Karen Agustin
Casey Banes Paculan Queen of Quezon City Paolo Bediones Karen Agustin

Casey Banes Paculan, itinanghal na Queen of Quezon City 2018

MATAPOS ang tatlong taon, muling nagsama-sama sa entablado ng University Theater ng UP Diliman ang mga kandidatang naglaban-laban para sa korona ng Queen of Quezon City 2018.

Si Casey Banes Paculan ang napili ng mga hurado dahil na rin sa maganda at maayos na sagot niya sa pagkakaroon ng slot ng LGBTQIA sa nakaraang halalan sa Amerika. At gaya ng nakasama niya sa apat na slots, umaasa sila sa pagdating ng pagkakataong makapag-lingkod ang LGBTQIA sa bayan.

Ang adbokasiya ni Casey ay may kinalaman sa paghubog ng gender norms. Ipinagbubunyi na ng samahan ang pag-aalaga sa kanilang mga karapatan ng pamumuno ni Konsehal Mayen Juico na sige pa rin sa pagsulong ng mga karapatan ng LGBTQIA.

Suportado ng Pride Council at iba pang mga samahan ang naganap na koronasyon.

Mula sa barangay Pinyahan ng Quezon City, ang alituntunin ni Casey sa buhay ay, ”You must tell yourself, no matter how hard it is or how hard it gets -I am going to make it!”

And she made it!

Bukod sa kanyang gemstudded crown at P300-K na premyo, katakot-takot na special prizes ang iniuwi ng Reyna! Ilan dito ay ang Symply G, Darling of the Press, Best in Swimsuit, at Best In Long Gown.

The event was hosted by debonair Paolo Bediones, Karen Agustin and anchored by Janelle Tee.

All the candidates and the three Ladies-Respect, Equality and Pride will continue to propagate their own advocacies. Para sa ikauunlad ng mga mamamayan ng kanilang mga barangay. Kundi man ng buong Pilipinas!

First runner-up at Lady Pride si Rami Hannash ng Barangay Sta. Lucia. Second runner-up at Lady Equality si Ghen Antolin ng Barangay Santa Monica.

Sina 2016 Bb. Pilipinas Grand International Nicole CordovesMiss Earth 2017 Karen Ibasco, fashion designer Albert Andrada, Japanese-Brazilian model Hideo Muraoka, at Asia’s Next Top Model 3rd Season contestant na si Monika Sta. Maria ang ilan sa mga hurado ng second edition ngQueen of Quezon City.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Alessandra-Paolo at JM-Rhian, magsasalpukan sa Miyerkoles

Alessandra-Paolo at JM-Rhian, magsasalpukan sa Miyerkoles

About Pilar Mateo

Check Also

Angel Locsin

Angel bumweltasa basher: Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan

MA AT PAni Rommel Placente NAG-POST si Angel Locsin ng kanyangreaksiyonsa Instagram post ng ABS-CBN  …

Cassy Legaspi

Cassy nagbabala, Facebook account na-hack

MA AT PAni Rommel Placente BIKTIMA narin ng hacker si Cassy Legaspi. Angkanyang Facebook account …

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Leave a Reply